Gilas Pilipinas target makuha ang dalawang panalo sa Pebrero

TimCone GilasPilipinas FIBAAsiaCupQualifiers Basketball
Photo courtesy: Philstar

Target ng Gilas Pilipinas na makuha ang dalawang panalo nito sa window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa susunod na buwan na isasagawa sa Taiwan at sa Auckland, New Zealand.

Makakalaban ng Gilas Pilipinas ang Chinese-Taipei sa Pebrero 20 sa Taiwan kasunod ang Tall Blacks ng New Zealand sa Pebrero 23.

Aminado si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na matinding laban ang kanilang haharapin lalo’t papabor sa mga kalaban nito ang laban dahil home court nila ang mga ito.

“The two away games we are going to have in February is going to be the toughest part of this window. Two toughest teams and both on the road,” ani Cone.

Para naman sa Chinese-Taipei team, mahalaga sa kanila ang labang ito dahil sila ay kasalukuyang nasa ikatlong pwesto at may 1-3 record, kaya naman inaasahang raratsada sila  nang husto upang makuha ang krusyal na panalo kontra Gilas Pilipinas.

Samantala, nangunguna naman ang Gilas Pilipinas na may malinis na 4-0 na record kasunod  ang New Zealand  na may 3-1 record, na kung saan pakay nito na makaganti sa Gilas Pilipinas.

Matatandaang nakalasap ang New Zealand ng kabiguan sa Gilas Pilipinas noong Nobyembre nang nakaraang taon sa MOA Arena. 

Nasa ikaapat naman na pwesto ang Hong Kong na wala pang panalo.

Dahil dito, tiyak na ng ticket ng Pilipinas at New Zealand sa FIBA Asia Cup proper na gaganapin sa Agosto.

Paglalabanan na lamang ang No. 3 spot sa kanilang grupo na siyang papasok sa FIBA Asia Cup.

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more