Gilas Pilipinas magsagawa ng training camp sa Qatar sa Pebrero

RichardDelRosario TimCone GilasPilipinas FIBAAsiaCup Basketball
Rico Lucero
photo courtesy: SBP/fb page

Plano ng Gilas Pilipinas team na magsagawa ng training camp sa Doha Qatar sa susunod na buwan bilang paghahanda sa dalawang laban nito kontra Chinese Taipei at New Zealand sa final window ng FIBA Asia Cup qualifiers.

Ayon kay Gilas Pilipinas team manager Richard Del Rosario, handa na ang mga kakailanganin ng koponan para sa kanilang training camp at sasali din sila tournament bago tumulak patungong Taiwan at New Zealand.

“We are planning to go to Doha and join a tournament before heading to Taipei and New Zealand,” ani del Rosario.

Sinabi naman ni Gilas head coach Tim Cone, maaring matuloy ang kanilang training camp sa Pebrero 10 para magawa na ang mga kaukulang paghahanda doon para sa kanilang training. 

“That will be part of our preparation. But that’s going to happen February 10th or 11th, we might go there and do our preparation there and then come back. There is a chance we will go to Doha before the next window for some friendlies, scheduled workout, but that’s not a hundred percent yet,” ani Cone. 

Samantala, magkakaroon din ng mas mahabang oras ng paghahanda ang gilas team sa Pebrero dahil ang PBA ay magpapahinga sa kalagitnaan ng Commissioner’s Cup playoff sa Pebrero 8 hanggang 10 para  bigyang-daan ang pagsasanay ng Gilas.

Ang Gilas sa ngayon ay may malinis na 4-0 record kung saan mayroon na itong ticket sa FIBA Asia Cup na isasagawa sa Agosto na gaganapin naman sa Jeddah, Saudi Arabia. 

Nakatakdang harapin ng Gilas Pilipinas ang Chinese Taipei sa Pebrero 20, habang sa Pebrero 23 naman ay sasagupain nila ang New Zealand. 

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
10
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
9
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
8
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
13
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
8
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
8
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
11
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
10
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
11
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
26
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
33
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
27
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
27
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
23
Read more