Gilas Pilipinas, isasailalim sa overall performance evaluation bago matapos ang 2024 - SBP
c
Ito ang sinabi ni Gilas head coach Tim Cone kung saan isasailalim din sa pagsusuri hindi lang ang mga players, kundi pati na rin ang coaching staff bago matapos ang taon.
“The players are going to be assessed. Everything is going to be assessed by year end,” ani Cone.
Magugunitang nakuha ng Gilas Pilipinas ang kanilang unang panalo kontra New Zealand nitong nakaraang November 21 at sinundan pa ng panalo laban sa Hong Kong noong November 24, sa katatapos na FIBA Asia Cup Qualifiers na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Dahil din sa mga nakuhang panalo ng Gilas ay napanatili nito ang kanilang pang-34 na pwesto sa FIBA World Ranking, kung saan ay tiyak na ang kanilang slot sa FIBA Asia Cup na gaganapin sa Jeddah Saudi Arabia sa Agosto 2025.
Umaasa si Cone na malalampasan nila ang pagsubok na ito sa kanilang team para lalo pa nilang mapagbuti ang programa at sistemang ipinatutupad nila sa kanilang koponan.
“Hopefully, everybody, all the higher-ups are pleased with what’s been going on and they are going to want to keep a continuous program going,” dagdag pa ni Cone.
Layunin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na malaman ang mga aspeto pang kailangan nilang tutukan para sa Gilas kaya magsasagawa ito ng assessment at evaluation.
“That’s something that is going to be assessed. This whole year, as we said earlier before this window started, is a trial year in terms of how are we going to do this. We came up with an idea and a plan. That doesn’t mean we don’t make a tweak here or there. Personnel-wise, system-wise, whatever, we could very easily make a tweak here or there, anything that could make us better moving forward,” pagtatapos ni Cone.
Matatandaang nakasungkit ang Gilas Pilipinas ng gintong medalya sa Asian Games noong nakaraang taon laban sa Jordan, 70-60, makalipas ang 61 taon, kung saan 1962 pa nang huling makapag-uwi ng gintong medalya ang Pilipinas sa Basketball sa Asian Games nang talunin ng Pilipinas ang China.