Gilas Pilipinas at Chinese Taipei magtutuos mamayang gabi

JustinBrownlee GilasPilipinas ChineseTaipei Basketball
Rico Lucero

Matapos ang kanilang quick stop kahapon sa Maynila, nasa Taiwan na ngayon ang Gilas Pilipinas Team sa pangunguna ni Coach Tim Cone.

Susugurin ng Gilas Pilipinas ang third at final window ng 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers mamayang alas-7 ng gabi, Huwebes, February 20 sa Taipei Heping Gym.

Target ng Gilas team na maulit ang kanilang 106-53 na panalo kontra Taiwanese noong Pebrero 25, 2024.

Una rito, galing ang Gilas Pilipinas sa Doha, Qatar kung saan pinaunlakan nito ang 2nd Doha Invitational Cup at nakuha lamang ang ikatlong pwesto, matapos matalo sa Lebanon at Egypt. 

Determinado rin ang Gilas Pilipinas na makuha ang dalawang panalo sa qualifiers at sakaling ma-sweep nila ito magiging maganda na ang kanilang ranking sa FIBA Asia Cup. 

Sinabi naman ni Gilas Pilipinas head coach, Tim Cone na may mga pagbabago aniyang ginawa ang kanilang kalaban kung saan pinalitan ng Chinese Taipei ang kanilang naturalized player.  

“They made some big changes. They changed their naturali­zed  player with a seven-footer, who had six or se­ven blocks against New Zealand, They played New Zealand right to the very end but New Zealand broke away in the end,” ani Cone. 

Umaasa din si coach Tim Cone na ang kanilang karanasan sa Doha ay lalo pa sila patatagin at pahuhusayin.

“Anytime we're playing on the world stage against other national teams, it’s very important that we win. We're hoping the Doha experience makes us better, we wanted it to be tough. We wanted it, I think that teams learn from adversity, teams learn when it’s really hard. That’s why you have hard practices, why you play tough opponents because that makes you better,” dagdag pa ni Cone. 

Pagkatapos ng laban na ito ng Gilas Pilipinas ay sunod na makakaharap ng mga ito ang New Zealand na una na nilang tinalo noong Nobyembre nang nakaraang taon. 

Wala namang bearing ang dalawang laro nito sa qualifiers kontra sa Chinese-Taipei at New Zealand dahil pasok na ang Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup tournament na isasagawa sa Agosto sa Jeddah, Saudi Arabia.

Samantala, sa inilabas na listahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na 12- manlalaro ng Gilas Pilipinas, nanguna si AJ Edu sa 12-man roster kung saan siya ang magiging kapalit ni Kai Sotto na hindi makakalaro kasama ang GIlas dahil sa tinamo nitong ACL injury. 

Kabilang din sa roster list sina Justin Brownlee, June Mar Fajardo, Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Jamie Malonzo, Chris Newsome, Calvin Oftana, CJ Perez, Kevin Quiambao, Dwight Ramos, at Carl Tamayo.

Magiging reserves naman sina Troy Rosario at Mason Amos matapos na hindi makasama sa final roster.

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
6
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
8
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
7
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
6
Read more

Angeline Colonia wagi ng ginto sa Asian Junior Weightlifting

AngelineColoniaPhilippineWeightliftingWeightlifting
7
Read more

Alas Pilipinas, sasagupa sa Thailand bukas sa SEA V.League Leg 1

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanShainaNituraEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasPhilippineVolleyballPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
4
Read more

Cone, naniniwalang handa ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup

CoachTimConeCalvinOftanaJuneMarFajardoChrisNewsomeGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
4
Read more

PSC Chair Gregorio, dumayo sa China para sa Gilas Pilipinas Women

GilasPilipinasWomenJohnPatrickGregorioAlPanlilioGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
13
Read more

June Mar Fajardo aminadong nahirapan sa depensa ng TNT

JuneMarFajardoJerichoCruzMarcioLasiterLeoAustriaAlfrancisChuaSanMiguelBeermenPBABasketball
5
Read more

Zamboanga Valientes hindi na itinuloy ang pagbili sa Terrafirma Dyip

BobbyRosalesWillieMarcialAtty.OgieNarvasaJunnieNavarroTerrafirmaDyipBasketball
6
Read more

Manny Pacquiao at Mario Barrios, kapwa humiling ng rematch

MannyPacquiaoMarioBarriosBuboyFernandezFreddieRoachPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
5
Read more

Alas Pilipinas may dapat matutuhan sa mga pagkakamali - Suzara

LeoOrdialesBryanBagunasMarckEspejoRamonSuzaraAlasPilipinasPhilippineVolleyballPNVFAVCVolleyball
9
Read more

Mario Barrios, magiging maingat pa rin sa laban kontra Pacquiao

MarioBarriosMannyPacquiaoWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationMPPromotionBoxing
10
Read more

Pacquiao, pursigidong manalo kontra Barrios kahit may edad na

MannyPacquiaoMarioBarriosPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationTopRankMPPromotionBoxing
8
Read more