Game winning buzzer-beater ni Stockton naisalba ang FiberXers vs Beermen

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Bayaning maituturing ngayon sa koponan ng Converge FiberXers si Alec Stockton matapos maisalba ang kaniyang koponan sa pamamagitan ng game winning buzzer-buzzer  kung kaya nakuha nito ang panalo kontra SMB 114-112  sa kanilang Game 3 nitong Lunes ng gabi sa Ninoy Aquino Stadium. 

Ito rin ang first-ever playoff win ng Converge sa kasaysayan ng kanilang prangkisa.  Tinapos ni Stockton ang Game 3 na may ng 20 points,  8 assists at 7 rebounds.

Ayon kay Stockton, pinilit nilang lumaban hanggang huli dahil kung sakali mang sila ay matalo, matatalo sila ng hindi sumusuko.

“Coach told us if we were going to go down this game, we’re going to go down swinging. We have nothing to lose, we’re down 0-2, and we just kept fighting,” ani Stockton. 

Sinabi pa ni Converge guard na kahit lamang pa sila ng tatlong puntos sa Beermen ay hindi ito nagpaka kampante kundi kailangan umano niya gumawa ng paraan para sa koponan. Natuwa si Stockton kahit paano ay nakapuntos pa ito bago tuluyang maubos ang oras ng laro. 

“We were up by three and I did almost cost us the game. I had to do something. I’m just glad I made that shot and we got ourselves another chance,”  dagdag pa niya. 

Nanguna naman sa laro ng FiberXers si Justin Arana na nakapag ambag ng 23 points at 11 rebounds, si Jalen Jones naman ay kumamada ng 17 points, 14 rebounds, at 4 assists, habang si Bryan Santos ay naka 15 points at si Schonny Winston naman ay may naibuslong  10 points, 6 rebounds, 4 assists, at 2 steals. 

Samantala, aarangakada naman sa October 4, Biyernes, ang Game 4 sa Ninoy Aquino Stadium. 

The Scores:

Converge 114 – Arana 23, Stockton 20, Jones 17, Santos 17, Caralipio 11, Winston 10, Cabagnot 8, Nieto 7, Delos Santos 2, Ambohot 1, Andrade 0.

San Miguel 112 – Anoseike 39, Perez 18, Lassiter 14, Fajardo 12, Romeo 12, Ross 6, Rosales 6, Trollano 3, Cruz 2, Brondial 0.

Quarters : 20-27, 44-53, 66-87, 114-112.

AVC Beach Tour 2nd Nuvali Open, opisyal nang umarangkada

RancelVargaJamesBuytragoKatEpaHoneyGraceCorderoAlasPilipinasBeachVolleyball
11
Read more

Creamline Cool Smashers reresbak sa Akari Chargers bukas

AlyssaValdezCreamlineCoolSmashersVolleyball
12
Read more

Jerusalem, napanatili ang WBC title kontra kay Shigeoka

MelvinJerusalemSanManBoxing
7
Read more

Tropang Giga, buhay pa ang tsansa para sa matinding Game 7

ReyNambatacCalvinOftanaPoyErramChotReyesRondaeHollis-JeffersonTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
9
Read more

Melvin Jerusalem, target ang KO victory kontra Shigeoka ng Japan

MelvinJerusalemYudaiShigeokaPhilippinesBoxing
7
Read more

Kenneth Llover, nasikwat ang OPBF Bantamweight title vs. Kurihara

KennethLloverPhilippineBoxingBoxing
8
Read more

TNT Tropang Giga nadiskaril sa Game 5 kontra Barangay Ginebra

CalvinOftanaPoyErramJustinBrownleeChotReyesTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
10
Read more

Game 3 win nasungkit ng Tropang Giga laban sa Barangay Ginebra

ReyNambatacGlennKhobuntinCalvinOftanaRRPogoyTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketballPBA
9
Read more

16th Asian Lawn Bowls Championships, gaganapin sa bansa sa Abril

RonalynRedimaGreenleesRodelLabayoRositaBradbornPhilippineLawnBowlsLawnBowl
8
Read more

Martin, sasabak sa non-title super bantamweight sa Linggo

CarlJammesMartinPhilippineBoxing
11
Read more

Grassroots program nais palakasin ng Philippine Aquatics Inc.

EricBuhainKylaSanchezPhilippineAquaticsPhilippineSportsCommissionPSCSwimming
10
Read more

Pinoy basketball referee, kabilang sa elite level ng FIBA

GlennCornelioFIBAAsiaCupEastAsiaSuperLeagueBasketball
8
Read more

Joseph Javiniar wagi sa Road Cycling Elite Criterium event

JosephJaviniarRoadCyclingEliteCriteriumCycling
28
Read more

Gilas Pilipnas tututukan naman ang pagsali sa FIBA Asia Cup

JustinBrownleeJapethAguilarMasonAmosAJEduCalvinOftanaGilasPilipinasFIBAAsiaCupBasketball
19
Read more