Francis Lopez, iiwan na ang Fighting Maroons para Japan B. League

Lilisanin na ni Francis Lopez ang UP Fighting Maroons at ang UAAP upang dalhin ang kanyang talento sa Fighting Eagles Nagoya ng Japan B. League.
Si Lopez ay naging bahagi ng championship core ng Maroons sa nagdaang UAAP Season 87 men’s basketball competition.
Pinasalamatan ni Lopez ang lahat ng mga nakasama nito sa koponan gayundin ang buong UP community sa loob halos ng dalawang taon na nakabilang ito dito.
“Thank you to the UP Fighting Maroons and the UP Community for the wonderful two years. I will never forget it. UP fight forever,” ani Lopez.
Makakasama na ni Lopez bilang mga Asian imports ang mga dating kakampi nito sa Fighting Maroons na sina Carl Tamayo at JD Cagulangan.
Nagpahayag din ng buong suporta ang UP community, maging ang Office for Athletics and Sports Development ng University of the Philippines sa bagong oportunidad na haharapin ni Lopez sa Japan.
“’Di tayo dapat malungkot dahil nakaka-proud itong gagawin ni Francis. He’s the latest proof that what we do works and our student-athletes give pride to the UP community,” ani Dir. Bo Perasol.
Ang 6-foot-6 forward ay dating Rookie of the Year noong nakaraang season ay nag-average ng 10.8 points, 5.9 rebounds, 1.9 assists, at 1.3 blocks.
