EASL: Ryukyu nasungkit na ang top seed sa Group B, kontra Meralco Bolts

VictorLaw ChrisNewsome AlexKirk CliffHodge KeveAluma EASL RyukyuGoldenKings MeralcoBolts Basketball
Rico Lucero

Nakuha na ng Ryukyu Golden Kings ang top seed sa Group B sa East Asia Super League (EASL) 2024-25 season matapos talunin ang kanilang karibal, Meralco Bolts, 89-71, kagabi, January 22, sa Philsports Arena sa Pasig.

Sinimulan ng Rykyu ang laban na may 12-4 run kontra sa Meralco para makakuha ng 22-16 lead, ngunit nabawi ng Golden Kings ang advantage bago matapos ang unang quarter para iposte ang manipis na 23-22 na kalamangan.

Sa ikalawang yugto ng laban, isa na namang see-saw battle ang nangyari sa pagitan ng dalawang koponan hanggang sa naungusan ng Ryuku ang Meralco, 50-41.

Gumawa si Golden Kings team captain Victor Law ng 12 puntos, apat na assists, tatlong rebounds at isang steal bago ang half time break.

Ibinuhos naman ni Keve Aluma ang walo sa kanyang kabuuang 18 points para pamunuan ang third quarter kung saan nadomina ng Ryuku ang Bolts matapos mai-rehistro ang 19-puntos na kalamangan pagpasok sa ikaapat na quarter, 75-56.

Maraming diskarteng ginawa ang Meralco sa final period, na ikinatuwa ng mga manonood sa venue, ngunit laging may sagot ang Golden Kings na tuluyan nang naghatid sa kanila sa panalo.

Tinanghal na Player of the Game si Law matapos kumamada ng 20 puntos, walong rebounds, limang assists at dalawang blocks. Nag-shoot din siya ng 5-of-8 mula sa two-point area, 2-of-6 triples, at perpektong 4-of-4 mula sa linya.

Ang puntos ng Golden Kings ay dinagdagan din ni Alex Kirk ng 19 markers at walong rebounds  habang umiskor ng tig-12 sina Yoshiyuki Matsuwaki at Ryuichi Kishimoto.

Sa kabilang banda, nangunguna naman sina Cliff Hodge at Ange Kouame para sa Meralco na may tig-13 puntos, habang si team captain Chris Newsome ay may 12 points, limang assist, isang steal at isang block.

Samantala, ang import naman na si Akil Mitchell, na inaasahan sanang magpapakitang gilas kagabi ay hindi nakapaglaro dahil sa sakit sa likod habang nasaktan din ang isa pa nilang import na si David Kennedy kahit naglaro siya at gumawa lamang ng tatlong puntos sa 1-of-8 shooting.

Sa ngayon, ang Meralco Bolts kabilang na si Newsome ay nasa isang sitwasyong dapat manalo laban naman sa New Taipei Kings sa Pebrero 12 sa Taiwan upang makakuha ng pwesto sa EASL Final Four.

The Scores:

RYUKYU (89) – Law 20, Kirk 19, Aluma 18, Kishimoto 12, Matsuwaki 12, Onodera 6, Ito 2, Tsukamoto 0, Eumatsu 0, Arakawa 0, Waki 0, Taira 0.

MERALCO (71) – Hodge 13, Kouame 13, Newsome 12, Banchero 9, Bates 6, Cansino 6, Quinto 5, Rios 3, Kennedy 3, Almazan 1, Caram 0.

Quarter Scores: 23-22; 50-41; 75-56; 89-71.

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more