EASL: Meralco Bolts at Ryukyu Golden Kings maghaharap muli

Susubukan ng Meralco Bolts na makakuha ng panibagong panalo sa Group B ng East Asia Super League (EASL) 2024-25 season sa kanilang paglalaro sa kanilang tahanan laban sa Ryukyu Golden Kings sa Miyerkules, Enero 22, sa Philsports Arena, sa Pasig City.
Inaasam din ng Meralco na makuha ang kanilang ikatlong panalo matapos ang 72-68 pagkatalo laban sa Busan KCC Egis noong Disyembre 19 sa Busan Sajik gymnasium sa South Korea.
"It's going to be a tough road ahead, but it's nice to go ahead and match our win total from last year," ani Newsome.
Samantala, inaasahang todo-todo ang Golden Kings laban sa kanilang PBA counterpart sa kanilang ikaapat na engkwentro sa liga.
Nakuha ng Bolts ang kanilang nag-iisang tagumpay noong nakaraang taon nang malampasan nila ang Golden Kings sa isang overtime game sa Macau, 97-88, bilang tugon sa kanilang 61-89 pagkatalo sa kamay ng Ryukyu nang i-host nito ang kanilang laban sa Okinawa noong nakaraang season.
