EASL: Meralco Bolts nasa Taiwan na para sa EASL Final Four berth

ChrisNewsome EASL EastAsiaSuperLeague MeralcoBolts NewTaipeiKings Basketball
Rico Lucero
photo courtesy: EASL Images

Matapos bigong manalo kontra Barangay Ginebra nitong Linggo, Pebrero 9, sa kanilang best-of-three series sa PBA Season 49 Commissioner’s Cup quarterfinals, nasa Taiwan na ngayon ang Meralco Bolts para sa isa pang must-win showdown sa Miyerkules, Pebrero 12. 

Lalabanan ng Bolts ang New Taipei Kings, kung saan dito na malalaman kung kanino mapupunta ang huling slot para sa Final Four ng East Asia Super League. 

Sinabi ni Meralco Bolts coach Luigi Trillo na pagtutuunan naman nila ng pansin ngayon ang kanilang laban sa EASL, matapos ang kanilang pagkatalo kontra Gin Kings. 

“Right now, we just have to focus on the next one. We have the ESL in front of us” ani coach Trillo.

Magugunitang sinimulan ng Meralco Bolts ang EASL season sa pamamagitan ng 2-1 strong standing lalo na nang manalo ito kontra Macau Black Bear at Busan KCC Egis, subalit nang magkaroon ng rematch ang Bolts sa KCC noong December 18 ay natalo naman ito. 

Gayundin nitong nakaraang buwan ay natalo naman ang Meralco Bolts kontra Ryukyu na naging dahilan kung kaya naman nalaglag ito sa 2-3 standing. 

Sa pagkakataong ito, sa pamamagitan ng head-to-head na resulta bilang unang tiebreaker ang panalo ng Meralco ay magtatali sa magkabilang koponan para sa 3-3 standing at ipapadala ang Bolts sa Final Four.

Ayon naman kay Meralco Bolts team captain Chris Newsome, bagaman nakakalungkot aniya at hindi sila napasama sa PBA semi finals subalit masaya naman ito dahil pinalad naman ang bansa na mapabilang sa EASL. 

“That we earned to get to the position of being one of the top teams in the Philippines in EASL. Actually, the top team from the Philippines in EASL, so yeah, now it's time to go out there to Taipei,” ani Newsome.

Sinabi pa ni Newsome na isang tough game ang kanilang haharapin sa Miyerkules laban sa Chinese Taipei Kings lalo na at nasa line up din aniya nila si Jeremy Lin, subalit ang naging karanasan aniya nila sa laban kontra Ginebra Kings ang gagamitin nila para paghandaan ang kalaban. 

“It's gonna be a tough one another away game, but I think this one is gonna be good for us because this Ginebra series prepared us for kind of what an away game.Yeah I mean everybody knows New Taipei is a tough team. They got Jeremy Lin. I know he's coming off an injury too,” dagdag pa ni Newsome. 

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
7
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
6
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
10
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
7
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
7
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
8
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
8
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
10
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
25
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
32
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
26
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
26
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
22
Read more