EASL: Eastern, nakuha ang pangalawang panalo vs. Sonic Boom
Napanatili ng Hong Kong Eastern ang kanilang pag-asa na mapasakamay nila ang isa sa dalawang Final Four sa Group A.
Ito ay matapos na makuha ng Eastern ang panalo kontra Suwon KT Sonicboom 69-61 sa kanilang laban kagabi, January 7, 2025 sa Southorn Stadium, Hong Kong.
Sa simula ng laban ay kontrolado na agad ng Eastern ang laro sa buong first half kung saan hawak ng Eastern ang 13-point advantage bago matapos ang first half of the game.
Bagaman nalamangan ang Eastern ng Sonic Boom sa pagpasok ng second half, subalit nakatulong ang ginawang three point shot ni Hayden Blankey at Glen Yang para maibalik ang ritmo at galaw ng Eastern pagdating sa depensa at opensa sa Sonic Boom.
Sa natitirang mahigit isang minuto ng laro sa fourth quarter (1:23) ay pumasok ang hook shot ni Ismael Romero na nagbigay daan para makuha ang isang puntos na lamang, gayuman, pinagbuti ng ng Eastern ang kanilang mga opensa sa laban hanggang sa makuha ang halos dikit na panalo kontra Sonic Boom.
Nanguna sa panalo ng Eastern si Cameroon Clark na nakapagtala ng 17 points, habang si McLaughlin naman ay naitala ang kanyang pang-apat na consecutive double-double, kung saan mayroon itong naiambag na 14 points and 11 rebounds.
Samantala, sa debut game naman ni Ismael Romero sa EASL, nagtala ito ng 15 points at 10 rebounds.
Si Romero ang kauna-unahang Sonic Boom Player na nagrehistro ng double-double sa loob ng isang buwan pa lamang niya sa koponan.