Converge, nasungkit ang kanilang unang panalo kontra Phoenix

Nasungkit ng Converge ang kanilang unang panalo kontra Phoenix 92-83 sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Philippine Cup sa Ninoy Aquino Stadium kagabi, April 6.
Sa simula ng laro ay pinaulanan agad ng depensa ng FibersXers ang Fuel Masters dahilan kung kaya nahirapang maka iskor ang Phoenix.
Bumida sa panalo ng Converge si Alec Stockton na nagtala ng 18 points habang mayroon namang 10 markers at 10 boards si Justin Arana, at si Schonny Winston ay may 14 points, at dalawang steals.
Samantala bumagsak ang Phoenix sa 0-2 sa season, habang tumaas ang Converge sa 1-1.
Hindi naman umubra ang ginawang 15 points at 12 rebounds ni Kai Ballungay at 13 points ni Tyler Tio para sa Fuel Masters na mayroong dalawang talo at wala pang panalo.
Susubukan ng FiberXers na gawin itong dalawang magkasunod na laban sa Magnolia Hotshots sa Miyerkules, habang ang Fuel Masters ay susubukan ding makapagtala ng panalo laban sa defending champion Meralco Bolts sa Linggo, Abril 13.
