Carlo Biado, sasabak sa US 8th ball pool tournament sa Marso

Pagkatapos makatanggap ng parangal mula sa Philippine Sportswriters Association o PSA, nitong Enero 27, sa Maynila, pinaghahandaan naman ngayon ni Filipino professional pool player na si Carlo Biado ang pagsabak nito sa isasagawang US Open 8-ball Championship sa Marso sa Las Vegas.
Ayon kay Biado, muli siyang lalaban sa nasabing torneyo sa susunod na buwan kung saan lalahukan din ito ng mga mahuhusay na Billiard players sa buong mundo.
Bukod sa nasabing torneo, inihahanda rin ni Biado ang kanyang sarili sa pagsabak sa World pool Championship na isa sa pinakamalaking event sa larangan ng Billiard na gaganapin sa Jeddah Saudi Arabia sa taong ito.
Inaasahang makakasama din niya sa nasabing Billiard Championship ang mga sikat at mahuhusay na billiard players sa bansa gaya nina Johann Chua, Alex Pagulayan at iba pa.
Si Biado sa ngayon ay mayroong highest profile wins kabilang dito ang World Nine-ball Championship at World Ten-ball Championship noong 2017 at 2024.
Matatandaang taong 2015 nang makaabot ito sa finals sa WPA World Ten-ball Championship, kung saan tinalo nito sina David Alcaide at Nikos Ekonomopoulos sa knockout rounds, habang tinalo rin ni Biado si Jayson Shaw ng UK, 11–7, at nakuha ang panalo sa men's 9-ball event of the 2017 World Games.
