Boxing: Carl Jammes Martin, No. 2 na sa WBO ranking
Umangat na sa ranking ng WBO si Pinoy super bantamweight champion Carl Jammes “Wonder Boy” Martin.
Ito ay base sa bagong ranking na inilabas ng World Boxing Organization kamakailan.
Rank no. 1 pa rin sa pwesto ang Japanese boxer na si Naoya Inoue, habang nasa ikatlong pwesto naman si Sam Goodman.
Dahil naman sa pagkaka-angat sa ranking ni Martin, ay umani ito ng pagbati mula sa iba’t-ibang boksingero sa bansa.
Si Martin ay mayroong 24 panalo (19 via knockouts) at wala pang talo. Si Inoue naman ay mayroon nang 28 wins at wala pang talo habang si Goodman naman ay mayroong 19 na panalo at wala pang talo.
Samantala, malaking hamon ngayon sa kampo ni Martin kung makakalaban nito si Inoue na kilala bilang undisputed champion sa apat nitong hawak na titulo, WBO, WBC, IBF at WBA.
Matatandaang nitong nakaraang Disyembre ay tinalo ni Martin si Chaiwat Buatkrathok ng Thailand para makuha ang WBO Global super bantamweight title nang ginanap ang laban dito sa bansa.
Sa ngayon, nakatuon ang atensyon ni Martin sa title eliminator dahil sa ang posibleng unang makalaban ni Inoue ay ang Pinoy Boxer na si Marlon Tapales na siyang nangungunang itinuturing na malakas na makakalaban ng Japanese Boxer.