Bahrain, itinalagang host ng Asian Youth Games 2025
Pangungunahan ng Bahrain ang pag-host sa 3rd Asian Youth Games ngayong 2025. Ito ang napagdesisyunan ng Olympic Council of Asia o OCA’s Executive Board Meeting, matapos makansela ang naturang event sa Tashkent, Uzbekistan.
"The Olympic Council of Asia announces that the 3rd Asian Youth Games, scheduled to be held in Tashkent, Uzbekistan, will be held in Bahrain in 2025. The decision was made at a meeting of the organization's executive committee held today, December 2," ayon sa OCA.
Ang statement ng OCA ay nailabas matapos bumisita ni Uzbekistan President Shavkat Mirziyoyev noong Setyembre 10 sa Olympic Village, kung saan nakaschedule ganapin ang Youth Games.
Ang kompetisyon na nakalaan para sa mga atletang may edad na 14-17 mula sa 43 bansa at lalahok sa siyam na sports ay napagdesisyunang ilipat ng venue matapos sabihin ng Uzbekistan's National Olympic Committee sa OCA na hindi nila matatapos ang naturang Olympic Village dahil sa logistal at organizational issues.
Nagsimula na rin ang preparasyon para sa Asian Youth Games at ang mga opisyal nito ay confident na kayang magbigay ng Bahrain ng isang memorable experience. Inaasahan rin na ang Bahrain National Stadium at Khalifa Sports City ay magiging pangunahing lugar sa pagtatanghal ng mga laro.
Ang pag-host ng Bahrain ay makakapagpatibay sa kanilang bansa bilang isang top location