Australia, hinakot ang lahat ng medalya sa AVC Beach Tour

PaulBurnett LukeRyan AustralianVolleyball BeachVolleyball
Jet Hilario
photo courtesy: AVC/PNVF

Hinakot ng Australia ang lahat ng medalya sa katatapos na Re­bisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour 2nd Nuvali Open na ginanap sa Nuvali Sand Courts sa Santa Rosa, Laguna.

Pinataob nina Paul Burnett at Luke Ryan ng Australia ang kanilang kababayang sina Ben Hood at Oliver Merritt sa all-Australian gold medal match sa iskor na 21-13, 21-18.

Naibulsa naman nina reigning Asian Seniors champions D’Artagnan Potts at Jack Pearse na taga-Australia din, ang bronze medal matapos iselyo ang 20-22, 21-19, 20-18 panalo laban kina Iranians Amerali Ghalehnovi at Bahman Salemiinjehboroun.

Itinuturing namang magandang panalo ito para sa Australia na siyang magiging host ng 2025 FIVB Beach Volleyball World Championships sa Adelaide sa Nobyembre 14 hanggang 23.

Kasunod ito ng 2025 FIVB Men’s Volleyball World Championship na gaganapin naman sa Pilipinas sa September 12 hanggang 28.

Bukod sa trophy, naibulsa din ng nagkampeon ang $2500, habang ang runners-up naman ay nag-uwi ng $2000 at $1500 naman para sa silver at bronze winners.

Samantala, wagi rin ang Australia ng gold sa women’s division kung saan tinalo nina Stefanie Fejes at Jasmine Fleming ang New Zealand bets na sina Shaunna Polley at Olivia MacDonald, 21-13, 13-21, 17-15, sa finals.

Naiuwi din ng mga Australyano ang bronze award mula kina Lizzie Alchin at Georgia Johnson na nanalo kina Japan spi­kers Asami Shiba at Reika Murakami, 21-17, 17-21, 11-15.

Converge, nasungkit ang kanilang unang panalo kontra Phoenix

AlecStocktonJustinAranaConvergeFiberXersPBABasketball
5
Read more

Ikalawang sunod na panalo nakuha ng Meralco Bolts kontra Dyip

ChrisNewsomeBongQuintoChrisBancheroMeralcoBoltsPBABasketball
7
Read more

AVC Beach Tour 2nd Nuvali Open, opisyal nang umarangkada

RancelVargaJamesBuytragoKatEpaHoneyGraceCorderoAlasPilipinasBeachVolleyball
12
Read more

Creamline Cool Smashers reresbak sa Akari Chargers bukas

AlyssaValdezCreamlineCoolSmashersVolleyball
13
Read more

Jerusalem, napanatili ang WBC title kontra kay Shigeoka

MelvinJerusalemSanManBoxing
7
Read more

Tropang Giga, buhay pa ang tsansa para sa matinding Game 7

ReyNambatacCalvinOftanaPoyErramChotReyesRondaeHollis-JeffersonTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
9
Read more

Melvin Jerusalem, target ang KO victory kontra Shigeoka ng Japan

MelvinJerusalemYudaiShigeokaPhilippinesBoxing
7
Read more

Kenneth Llover, nasikwat ang OPBF Bantamweight title vs. Kurihara

KennethLloverPhilippineBoxingBoxing
8
Read more

TNT Tropang Giga nadiskaril sa Game 5 kontra Barangay Ginebra

CalvinOftanaPoyErramJustinBrownleeChotReyesTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
10
Read more

Game 3 win nasungkit ng Tropang Giga laban sa Barangay Ginebra

ReyNambatacGlennKhobuntinCalvinOftanaRRPogoyTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketballPBA
9
Read more

16th Asian Lawn Bowls Championships, gaganapin sa bansa sa Abril

RonalynRedimaGreenleesRodelLabayoRositaBradbornPhilippineLawnBowlsLawnBowl
8
Read more

Martin, sasabak sa non-title super bantamweight sa Linggo

CarlJammesMartinPhilippineBoxing
11
Read more

Grassroots program nais palakasin ng Philippine Aquatics Inc.

EricBuhainKylaSanchezPhilippineAquaticsPhilippineSportsCommissionPSCSwimming
10
Read more

Pinoy basketball referee, kabilang sa elite level ng FIBA

GlennCornelioFIBAAsiaCupEastAsiaSuperLeagueBasketball
8
Read more