Alex Eala, bigong makapasok sa main draw ng US Open
Patuloy na nagiging mailap ang suwerte para kay Alex Eala na makapasok sa main draw ng women's Grand Slam matapos na matalo sa final round ng 2024 US Open qualifiers laban kay Elena-Gabriela Ruse ng Romania ang score ay 6-3, 1-6, 4-6.
Matapos manalo sa opening frame, nawalan na ng lakas ang Filipina tennis player nang dominahin ng 28-anyos na Romanian ang ikalawang set sa pamamagitan ng 4-0 na simula bago umiskor si Eala ng isang puntos ngunit kumuha ng medical timeout.
Naungusan ni Ruse si Eala sa end game para makapasok sa US Open main draw laban kay Julia Grabher ng Austria sa unang round.
Nagpasalamat si Eala sa mga tagahanga na sumuporta sa kanya sa Flushing Meadows at sa online na pagpapalabas ng kanyang laban, madaling araw sa oras ng Pilipinas.
“I want to thank everyone who watched and cheered for me earlier, whether in person or through the livestream. A special thanks to my family, to those who skipped work, and to those who traveled far just to watch my match. My heart heard and felt every cheer and every clap from you. Thank you so much, my fellow Filipinos,” ani Eala
Magugunitang si Eala ang naging unang Pinoy na nanalo ng Grand Slam title sa singles division, na namuno sa US Open girls' tournament dalawang taon na ang nakararaan. Nanalo siya ng dalawa sa doubles sa 2020 Australian Open at 2021 French Open sa juniors division.