Pacquiao, pursigidong manalo kontra Barrios kahit may edad na

Kahit may edad na, pursigido at determinado pa rin ang dating eight-division world champion na si Manny Pacquiao na makuha ang kampeonato kontra kay Mario Barrios sa kanilang nalalapit na laban sa July 19, sa Las Vegas, Nevada.
Target ni Pacquiao na masungkit ang welterweight title kontra reigning World Boxing Council (WBC) titleist Mario “El Azteca” Barrios.
Kung sakaling palarin na manalo sa laban, ito na ang kanyang ika-limang welterweight title sa kanyang karera sa boxing.
Pagkatapos ng ilang taong pahinga sa boxing, dahil itinuon nito ang pansin sa paglilingkod sa bayan bilang kongresisita at senador, ngayon naman ay ilang linggo lang halos ensayong ginawa ni Pacquiao para sa labang ito at malaki ang kaniyang tiwala sa sarili at determinasyon na mananalo ito sa laban.
“I still have the fire in my eyes and in my heart. I’m punishing myself to the limit. That’s what I’m thinking. And footwork is the key, 33 rounds of sparring, doing mitts and the heavy bag. I can still do the same as when I was young,” pahayag ni Pacquiao.
Gustong patunayan ni Pacquiao, na may ibubuga pa ito sa ibabaw ng boxing ring para makapagtala ng panibagong kasaysayan sa 147 pounds matapos tuldukan ang kanyang halos apat na taong pagreretiro para lang hamunin ang 30-anyos na Mexican-American boxer.
“Even at the age of 46, I can still be a champion, and that I can still fight,” bulalas pa ni Pacman.
Matatadaang halos apat na taon na ng huling nasulyapan sa ibabaw ng boxing ring si Pacquiao matapos itong mabigo kay Yordenis “54 Milagros” Ugas ng Cuba para sa WBA belt noong Agosto 21, 2021, at nitong taong ito ay sumabak din si Pacquiao sa exhibition fights kina Japanese Rukiya Anpo at DK Yoo ng South Korea.
Si Pacquiao ay kasalukuyang may 62-8-2 (win-loss-draw) record kung saan 39 sa mga panalo nito ay puro knockouts.
