Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

Tatlong silver medals ang nasungkit ng dating two-time Olympian Elreen ando sa katatapos na 2025 Asian Weightlifting Championships sa Jiangshan, China nitong May 11, para sa women’s 64-kilogram division.
Nabuhat ni Ando ang 102 kilograms sa snatch at 130kgs. sa clean and jerk na may kabuuang 232 kgs, kung saan pumangalawa ito kay gold medalist Li Shuang ng China.
Magugunitang nasungkit din ni Ando ang silver medal sa Asian Championships sa Tashkent noong 2020 para sa (-64kg) at 2024 (-59kg) editions.
Taong 2023 nang maging Gold medalist din si Ando sa 2023 SEA Games sa Cambodia, habang silver medals din ang naiuwi nito sa bansa noong 2019 at 2021 SEA Games sa Pilipinas at Vietnam.
Matatandaang noong April 3, 2024, ay nag-qualify si Ando sa 2024 Summer Olympics in Paris subalit nakuha lamang ang ika anim na pwesto at bigong makapag-uwi ng medalya.
Dahil naman sa panalo ni Ando, umaasa ang Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) na makakalahok din si Ando sa 2028 Olympics sa Los Angeles, California.
