World Athletics chief Sebastian Coe isa sa mga pagpipilian kapalit ni IOC Pres.Thomas Bach

Rico Lucero
photo courtesy: olympic.com

Matunog ngayon at nangunguna pa sa listahan si World Athletics chief Sebastian Coe na maging susunod na pangulo ng International Olympic Committee. 

Si Coe ay isa sa pitong kandidato na nakatakdang pumalit kay International Olympic Committee president Thomas Bach.

Matatandaang una ng inanunsiyo ni Bach noong Paris Olympics na hindi na ito interesado na tumakbo muli sa posisyon matapos na pangunahan ang IOC sa loob halos ng isang dekada.

Samantalang si Coe naman ay magiging 68 years old na  sa Setyembre 29 at bagama't may puwang para itaas ang edad ng pagreretiro ng mga miyembro at presidente ng IOC sa 74 ay mas matanda siya kaysa sa pagtatapos ng isang walong taong mandato.

Ilan naman sa mga makakalaban ni Coe sa pagka-pangulo ng IOC sina Kirsty Coventry, na umaasa din at magiging mapalad na maging unang babae at African na mamumuno ng IOC. Maging si cycling boss David Lappartient ay kasama din sa listahan ng mga kandidato sa pagiging IOC President.

Samantala, may apat pang kandidato ang pagpipilian din ang IOC  kung saan ang dalawa mula sa Asya -- isa sa  kontinente na hindi pa nagkaroon ng IOC president -- sina Prince Faisal al-Hussein ng Jordan, chief  gymnastics na si Morinari Watanabe, Juan Antonio Samaranch Jr., na ang ama ng parehong pangalan ay pangulo ng IOC mula 1980-2001 at ang pangulo ng ski federation na si Johan Eliasch. 

Sa ilalim naman ng mga alituntunin sa halalan, sina Coe, Eliasch, Lappartient at Watanabe ay kailangang magbitiw bilang mga pinuno ng kani-kanilang mga federasyon. 

Bago ang isasagawang halalan ay ipapakita muna ng mga kandidato ang kanilang mga programa, sa camera, sa buong IOC membership sa isang pagpupulong  na gaganapin sa Lausanne, Switzerland sa Enero 2025. Pagkatapos ang  halalan ay isasagawa naman ang IOC Session sa Athens mula Marso 18 hanggang 21 sa susunod na taon.