Women's Volleyball Nations League isasagawa sa bansa sa 2026

Nakatakdang isagawa sa bansa sa susunod na taon (2026) ang Women's Volleyball Nations League (VNL) at sa 2027 naman ang Asian Volleyball Confederation (AVC).
Kasunod ito ng pahayag ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) President Ramon "Tats" Suzara sa presscon kagabi sa Philsports Arena.
Magugunitang sa bansa din gaganapin ang 2025 FIVB Men's Volleyball World Championship sa Setyembre.
"Although I don't want to announce it as early as now, but for the next two years, 2026 and 2027, the VNL will come back to Manila, but not in Manila, hopefully in Cebu iIt will be Women's. So pahinga muna tayo ng Men's kasi may [FIVB] World Championship this year," ani Suzara.
Planong isagawa ang Women's Volleyball Nations League (VNL) sa Cebu sa susunod na taon kung saan kasalukuyang itinatayo ang Cebu MOA Arena.
"This is a big thing for us. Punta tayo lahat sa Cebu because they are building a new MOA Arena in Cebu," dagdag pa ni Suzara.
Sa kasalukuyan abala sa taong ito ang volleyball kung saan sunud-sunod na isinasagawa ang naturang sporting events hindi lamang sa bansa kundi sa iba pang bansa sa Asya gaya na lamang ng FIVB Women's Volleyball World Championship sa Thailand, FIVB Men's Volleyball World Championship sa Manila, FIVB Volleyball Women's U21 World Championship sa Surabaya, Indonesia, FIVB Volleyball Men's U21 World Championship sa China, Uzbekistan's Volleyball World Championship at Uzbekistan FIV9B World Championship.
Samantala, pinasalamatan din ni Suzara ang Premier Volleyball League (PVL) sa walang sawang suporta nito sa mga volleyball events na isinasagawa sa bansa gaya ng nagpapatuloy na AVC Women’s Champions League.
