Wolf, magiging head coach ng TNC Pro Team sa MPL-PH S14

PB
PHOTO COURTESY: FACEBOOK/MPL PHILIPPINES

Sagot na kaya sa tanong ng maraming fans kung kailan magiging championship-caliber team ang TNC ang pagpasok sa kanilang coaching staff ng nag-iisang King of MLBB Analysis?

Iyan ang tanong ng marami nang ipagpalit ni Caisam "Wolf" Nopueto ang kanyang three-piece analyst suit at caster headset para sa isang puting long sleeved polo upang pamunuan ang bagong bihis na TNC Pro Team roster para sa MPL Philippines Season 14.

Si Wolf, isang beterano ng global Mobile Legends broadcast, ay inanunsyo bilang bagong lead tactician ng TNC sa isang roster reveal na ginanap noong Linggo ng gabi.

Ang maalamat na esports broadcaster ay 2-time winner ng Philippine Esports Awards, at nag-innovate din ng paggamit ng graphic explainers, at kanyang sariling mobile app para makapagbigay ng konteksto at malalim na analysis sa tradisyonal na hype at energy-centered na MPL Philippines broadcast.

“Maraming maraming maraming salamat sa opportunity, lalo na sa hindi-mabilang na moments na hinayaan nyo akong i-express yung passion ko sa casting... sa mga pre-shows, content, analysis, pag-telestrator, sa pagkuha sakin constantly as analyst local man o international... sa lahat! Mamaya na ako maglolong message sa inyo... Thank you much din sa lahat ng kaibigan, colleagues, mentors, that I met along the way. AND MOST IMPORTANTLY, SA LAHAT NG MPL FANS NA HINDI NAWALA ANG SUPORTA! MARAMING MARAMING SALAMAT PO!,” ani Wolf sa isang post sa kanyang personal na Facebook page.

Bukod sa MLBB, si Wolf ay nag-coach din para sa ibang mga laro tulad ng Dota 2, at nagsilbing boses rin ng English at Filipino commentary para sa local na Valorant Champions Tour o VCT Philippines broadcasts. Siya rin ay nagtrabaho sa press bilang dating country editor ng ONE Esports’ Philippines operation.

Ang pagdating ni Wolf sa Phoenix Army ay inaasahan, dahil siya ay sasamahan ng kanyang bagong assistant coach, si Patrick "E2MAX" Caidic, na kamakailan lang ay nasa Fnatic ONIC Philippines at Smart Omega sa parehong playing at coaching roles.

Sasamahan din siya ni Jetson "Goyo" Ignacio bilang team analyst.

Samantala, ang backbone ng TNC Pro Team ay binubuo nina Christian "HEADS" Morada, Shemaiah "SDzyz" Chu, Jaylord "Hatred" Gonzales, Joemarie "Escalera" Santos, Salvick "Kouzen" Tolarba, at dating Minana EVOS players Lance Walter "LanceCy" Cunanan at Ken "Kzen" Pile.

Kasama rin sa mga sumusuporta sa team bilang influencers at social media personalities sina Setsuna "Dogie" Ignacio at Kangkong Chips owner Josh Mojica.

Ang pinakamagandang playoffs finish ng TNC mula nang sumali sa MPL Philippines roster ay ang kanilang 3rd place finish sa Season 9 playoffs.

Mula noon, ang team ay nahulog sa apat na season na tagtuyot, at laging nagtatapos na laging huli o pangalawa sa huli sa team standings.

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
6
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
11
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
11
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
7
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
7
Read more

Angeline Colonia wagi ng ginto sa Asian Junior Weightlifting

AngelineColoniaPhilippineWeightliftingWeightlifting
7
Read more

Alas Pilipinas, sasagupa sa Thailand bukas sa SEA V.League Leg 1

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanShainaNituraEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasPhilippineVolleyballPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
4
Read more

Cone, naniniwalang handa ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup

CoachTimConeCalvinOftanaJuneMarFajardoChrisNewsomeGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
4
Read more

PSC Chair Gregorio, dumayo sa China para sa Gilas Pilipinas Women

GilasPilipinasWomenJohnPatrickGregorioAlPanlilioGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
13
Read more

June Mar Fajardo aminadong nahirapan sa depensa ng TNT

JuneMarFajardoJerichoCruzMarcioLasiterLeoAustriaAlfrancisChuaSanMiguelBeermenPBABasketball
5
Read more

Zamboanga Valientes hindi na itinuloy ang pagbili sa Terrafirma Dyip

BobbyRosalesWillieMarcialAtty.OgieNarvasaJunnieNavarroTerrafirmaDyipBasketball
6
Read more

Manny Pacquiao at Mario Barrios, kapwa humiling ng rematch

MannyPacquiaoMarioBarriosBuboyFernandezFreddieRoachPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
5
Read more

Alas Pilipinas may dapat matutuhan sa mga pagkakamali - Suzara

LeoOrdialesBryanBagunasMarckEspejoRamonSuzaraAlasPilipinasPhilippineVolleyballPNVFAVCVolleyball
9
Read more

Mario Barrios, magiging maingat pa rin sa laban kontra Pacquiao

MarioBarriosMannyPacquiaoWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationMPPromotionBoxing
10
Read more