Volleyball: Hosting ng bansa sa FIVB Volleyball Men’s World Championship pinaghahandaan na

Rico Lucero
Photo courtesy: Philstar

Sinisimulan na ng Pilipinas ang mga paghahanda para sa hosting ng ng FIVB Volleyball Men’s World Championship sa susunod na taon. Nagsimula na rin ang countdown para dito at bilang bahagi ng paghahanda ay nagsagawa ang Palasyo ng Malakanyang ng konsyerto nitong Linggo ng gabi. 

Isasagawa ang FIVB Volleyball Men’s World Championship sa Setyembre 12, hanggang 28, 2025 na binubuo ng 32 koponan mula sa iba’t-ibang bahagi bansa sa buong mundo. 

Ayon kay FIVB general director Fabio Azevedo, masaya siya dahil nakita nila na suportado at committed ang pamahalaan sa larong Volleyball at marami sa mga Pilipino ang kinahihiligan na ang ganitong sports. 

“It was fantastic to see how committed your President is in promoting volleyball sports. It’s fantastic also to see the volleyball euphoria in the Philippines. So, we are looking forward to drawing more exciting events,” ani Azevedo.

Hindi naman makapanawala si Philippine National Volleyball Federation (PNVF) President Ramon “Tats” Suzara hindi nila inaasahang mataas ang pagsuporta ng Pangulo ng Pilipinas sa larong Volleyball kung kaya naman labis ang kanilang pasasalamat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga ipinapakitang suporta nito sa sports. 

“It is really unbelievable, and I did not expect this concert for the World Championship. We never expect this. The commitment and the effort of the government are extraordinary. We would like to thank the First Lady, Vinnie, and the President for this. “Amazing journey at the start of the men’s world championship and the FIVB was surprised with the concert,” ani Suzara