Unang panalo sa Game 1 ng quarter finals magandang simula para sa Beermen

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Naging maganda ang simula para sa San Miguel ang pagdating ng kanilang bagong import nang makamit nila ang tagumpay kontra sa Converge FiberXers, 102-95, sa panimula ng kanilang best-of-five quarter finals series ng PBA Season 49 Governors’ Cup, Huwebes ng gabi, Setyembre 26, sa Ninoy Aquino Stadium.

Bagaman sa umpisa ng laban ay parehong agresibo at mahigpit ang depensahan ng dalawang koponan, parehas pa ring nagpalitan ng tirada ang magkabilang panig hanggang sa manaig Beermen sa huli.

Umabot man ng double-digit ang lamang ng San Miguel bago matapos ang laro ngunit hindi sumuko ang FiberXers at naibaba pa nila ito hanggang sa apat na puntos. Gayunman, nanaig pa rin ang experience ng Beermen sa huli kung kaya’t na-force nila sa costly turnovers ang Converge na naging dahilan kung bakit napunta sa mga magse-serbesa ang tagumpay.

Bumilib naman si SMB coach Jorge Gallent sa unang performance ng kanilang bagong reinforcement na si EJ Anosike na pumalit sa injured na si Jordan Adams, na nanood din ng laban kagabi upang suportahan ang kanyang koponan.

"He has this physicality inside, and he grabs boards. He likes to power inside and that's good in getting our shooters open," patungkol ni Gallent sa kanyang import. 

Pinangunahan ni Anosike ang SMB sa pamamagitan ng ambag nitong 28 points, 11 rebounds at limang assists, habang mayroong 25 markers, 16 boards, dalawang steals at tatlong blocks si June Mar Fajardo.

Susubukan ng Beermen na gawing 2-0 ang serye sa Sabado, September 28, sa muli nilang pagtutuos ng FiberXers sa Smart Araneta Coliseum.

The Scores :

SAN MIGUEL 102 - Anosike 28, Fajardo 25, Perez 11, Rosales 11, Trollano 6, Cruz 6, Romeo 4, Ross 4, Lassiter 3, Enciso 3, Brondial 1.

CONVERGE 95 - Jones 22, Arana 20, Winston 17, Caralipio 10, Delos Santos 7, Stockton 5, Ambohot 5, Cabagbot 3, Andrade 3, Santos 3, Nieto 0.

QUARTERS : 30-23, 55-50, 85-72, 102-95

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
6
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
8
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
7
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
6
Read more

Angeline Colonia wagi ng ginto sa Asian Junior Weightlifting

AngelineColoniaPhilippineWeightliftingWeightlifting
7
Read more

Alas Pilipinas, sasagupa sa Thailand bukas sa SEA V.League Leg 1

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanShainaNituraEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasPhilippineVolleyballPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
4
Read more

Cone, naniniwalang handa ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup

CoachTimConeCalvinOftanaJuneMarFajardoChrisNewsomeGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
4
Read more

PSC Chair Gregorio, dumayo sa China para sa Gilas Pilipinas Women

GilasPilipinasWomenJohnPatrickGregorioAlPanlilioGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
13
Read more

June Mar Fajardo aminadong nahirapan sa depensa ng TNT

JuneMarFajardoJerichoCruzMarcioLasiterLeoAustriaAlfrancisChuaSanMiguelBeermenPBABasketball
5
Read more

Zamboanga Valientes hindi na itinuloy ang pagbili sa Terrafirma Dyip

BobbyRosalesWillieMarcialAtty.OgieNarvasaJunnieNavarroTerrafirmaDyipBasketball
6
Read more

Manny Pacquiao at Mario Barrios, kapwa humiling ng rematch

MannyPacquiaoMarioBarriosBuboyFernandezFreddieRoachPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
5
Read more

Alas Pilipinas may dapat matutuhan sa mga pagkakamali - Suzara

LeoOrdialesBryanBagunasMarckEspejoRamonSuzaraAlasPilipinasPhilippineVolleyballPNVFAVCVolleyball
9
Read more

Mario Barrios, magiging maingat pa rin sa laban kontra Pacquiao

MarioBarriosMannyPacquiaoWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationMPPromotionBoxing
10
Read more

Pacquiao, pursigidong manalo kontra Barrios kahit may edad na

MannyPacquiaoMarioBarriosPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationTopRankMPPromotionBoxing
8
Read more