Unang panalo nakuha ng RoS vs. Blackwater

Jet Hilario
Photo courtesy: Philstar/PBA

Panalo ang Rain or Shine Elasto Painters sa unang pagsabak nila sa pagbubukas ng 49th season ng PBA Governors’ Cup, matapos talunin ang Blackwater Bossings sa score na 110-97 sa Araneta Coliseum.

Bumida sa panalo ng Painters si Aaron Fuller sa pamamagitan ng ginawa niyang double-double kung saan nagtala siya ng 24 points, 19 rebounds, dalawang assists, isang steal at block.

Ang rookie namang  si Caelan Tiongson ay nagtala rin ng 15 points, limang rebounds at dalawang assists  habang si Santi Santillan ay mayroong 12 pints at ang isa pang rookie na si Felix Lemetti ay nag-ambag naman ng 11 points.

Mula sa simula ay hawak ng Painters ang kalamangan kung saan umabot pa ito sa 21 noong third quarter hanggang pinilit na habulin ito ng Blackwater.

Samantala, sa panig naman ng Black water nagtala ng 18 points si Sedrick Barefield at 17 points markers si James Kwekuteye. 

Sunod namang makakaharap ng Rain or Shine ang Ginebra sa Candon CIty sa Sabado August 24, habang ang Black water naman ay nakaharap ang San Miguel Beermen  sa Linggo, August 25.