UFC: Climaco, tiwalang mananalo vs. Estupinan
Kumpiyansa ang Fil-Am MMA fighter na si Sean “The One” Climaco na malaki ang tyansa niyang manalo sa laban niya kay Johan “The Panda Kick” Estupinan sa Linggo para sa flyweight Muay Thai fight sa ONE 168.
Sa labang ito, tinanggap ni Climaco ang hamon ni Panda Kick na may hawak na 22-0 win-loss record.
Naniniwala din si Climaco na hindi pa nakakaharap ni “Panda Kick” ang isang katulad niya sa loob ng octagon at hindi ito nakakaranas ng anumang pressure sa nalalapit nilang paghaharap at tiwala si Climaco sa lakas na mayroon siya para ma-knockout ang Columbian MMA fighter.
"I don't really feel any pressure like that, like 'Oh, I got this young kid coming at me.' I used to be that person too, coming up when I was younger. Anything, I just see him as coming up in my shoes, and I want to show him that this is a different level. I've had fights against knockout artists, but I'm confident with my knockout power as well," ani Climaco.
Ang mga naging laban din aniya niya sa nakaraan lalo na ang diskarte niya ang pinagbabatayan ngayon ni Climaco laban kay Estupinan.
“I think my experience and my power [are my advantages]. He's explosive and he's flashy, but he's wild and he's not very technical. I'm the more technical fighter, I pick my shots more, I kick harder and I punch harder too," dagdag pa ni Climaco
Matatandaang nitong Mayo ay tinalo ni Climaco si Josue Cruz ng Mexico sa debut fight nito sa pamamagitan ng body shot sa pagsisimula pa lamang ng kanilang laban.