UAAP coaches nagbahagi ng mga saloobin sa 4-point shot
Nagbigay ng kani-kaniyang opinyon at komento ang mga coach ng UAAP bago ang pagsisimula ng season 87 nito sa September 7.
Mayroong gusto ang 4-point shot at mayroon din namang may ayaw, may sumasang-ayon at mayroon din namang tumututol.
Para kay Far Eastern University coach Sean Chambers, ok lang na gamitin at wala naman umano problema ukol dito, subalit alangan siya sa paggamit nito dahil napansin nito na ang mga koponan ng PBA ay hindi aniya tumatakbo dito kundi nananatili silang totoo sa kung sino sila sa loob ng court. Babantayan nalang aniya nila kung paano naman ito makakaapekto sa paglalaro ng kanilang koponan.
“I'm just gonna watch how it impacts the game. But so far, right now, I noticed that the PBA teams are not running to it and they're staying true to who they are. A lot of the (four-point) shots are happening by chance, like at the end of the shot clock or the end of the quarter. It's not like they're designing plays for a four-point shot,” ani Chambers
Sinabi naman ni University of the Philippines coach Goldwin Monteverde, pagtutuunan nila ng pansin sa papasok na season kung paano nito babaguhin ang mga nuances ng laro, ang dati aniyang two possession game ay magiging isa na lang ngayon.
“It’s something new. Pero as a coach, nandoon pa rin ako sa part ng coaching, na yung dating two-possession game, magiging one-possession na lang,” ani Monteverde
Nabago din ng 4-point shot ang dynamics ng laro mula sa dating ligtas na three-point lead ay ngayon four point lead na at isa na rin ngayong one possession game.
Sa tingin naman ni University of the East coach Jack Santiago na kung ang 4-point point shot ang magiging pamantayan ng mga manlalaro ay dapat na humanap pa sila ng mga manlalaro na kaya tumira mula sa labas.
“I think it's gonna be exciting. It's a new look and hopefully, it will (be adapted) to other leagues also,” he said. “But of course, we'll need to adjust kasi 'di naman tayo lahat na-ready dun.” ani Santiago
Magugunitang nilikha ang 4-point shot na ito ng PBA ilang linggo bago ang pagsisismula ng PBA Governors’ Cup season 49 at umani rin ito ng samu’t-saring komento mula sa mga manlalaro at coach ng PBA, subalit nanindigan ang pamunuan ng PBA na gagamitin na nila ito bilang bagong innovation ng liga.