Tolentino, tiwala pa ring makakapag-uwi ang bansa ng medalya
Malaki pa rin ang pag-asa at tiwala ni Philippine Sports Commission President Abraham “Bambol” Tolentino sa mga natitira pang atleta ng bansa na nakikipaglaban ngayon na kahit paano ay makakapag-uwi pa rin ang mga ito ng medalya lalo na ng ginto sa Paris Olympic.
“Full speed ahead. The campaign for medals, especially gold, is hot on track,”
Bagaman sunod-sunod ang mga naging pagkatalo ng mga atleta ay positibo pa rin ang pananaw ni Tolentino.
Sinabi ni Tolentino na kahit masakit sa damdamin na matalo ay hindi pa aniya ito ang katapusan.
Nalungkot din aniya siya sa naging pagkatalo sa boxing ni Eumir Marcial na isa sa mga inaasahang makakapag uwi ng medalya subalit sinabi nitong hindi pa ito ang katapusan para sa kaniya.
“I know how painful it is for Eumir to bear the loss. We feel his disappointment and frustration, but it’s not the end all for him,”
Dagdag pa ni Tolentino na hindi para kay Marcial ang light heavyweight division dahil malayo ito sa kanyang orihinal na timbang na middleweight kung saan sa timbang na ito siya nakakuha ng bronze medal sa nakaraang Tokyo Olympics.
"If we look at the tangibles, the light heavyweight is not for Eumir. He’s small for the weight class, while the other boxers are bigger and heftier,"
Bukod kay Marcial, bigo ding manalo si Hergie Bacyadan, sa kalaban nitong Chinese, habang sina Aira Villegas, Nesthy Petecio at Carlo Paalam ay mga una nang nanalo sa kanilang laro sa larangan ng boxing.