TNT nakuha ang panalo vs. Northport Batang Pier
Nalusutan ng TNT Tropang Giga ang mahigpit na depensa ng NorthPort Batang Pier kung kaya naman nakuha nito ang kanilang unang panalo sa score na 101-95.
Naging susi sa panalo ng TNT ang pagbabalik ni Rondae Hollis-Jefferson matapos na magtala ng 32 points 10 rebounds 5 assist at apat na steals habang si Calvin Oftana ay nagtala ng 15 points kung saan dalawang beses itong nakapuntos sa 4-point area, sa 2-of-2 shooting mula sa 4-point line.
Ang mga tirang iyon ni Oftana ang maagang nagbigay daan sa TNT para mabilis na makakuha ng lamang sa Batang Pier.
Sinabi naman ni Oftana na ang pagtira sa 4 point-line ay hindi na bago sa kanya.
“Taking that shot naman hindi na bago sa akin yun kasi ginagawa ko naman sa training yun,” he stressed. “Nakaka-shoot sa 4-points, pero sa 3-points medyo tagilid. Pero pagtrabahuan ko [yan].” ani Oftana
Samantala, layunin naman ng TNT na palakasin ang kanilang momentum ng laro at makapaghanda para labanan ang defending champion na Meralco Bolts sa main game sa Huwebes, Agosto 22 sa Smart Araneta Coliseum.