Thailand taekwondo athlete nasungkit na ang gintong medalya
Ilang araw bago matapos ang Paris Olympics, hindi nagpahuli ang Thailand na makasungkit din at makapag-uwi ito ng gintong medalya.
Ito ay matapos na matalo ni Panipak Wongpattanakit sa finals ng taekwondo women's -49kg event ang kalabang Chinese na si Guo Qing.
Sa kanilang laban, naging dominado ang Thai Athlete sa kaniyang kalabang Chinese at pinaulanan niya agad ito ng dalawang magkasunod na sipa sa katawan at ulo.
Gumanti ang Chinese subalit sa huli ay nagwagi pa rin siya matapos na makita sa replay video na pumasok pa ang dalawang head kicks nito kay Guo.
Dahil dito, gumawa na ng kasaysayan si Panipak Wongpattanakit dahil ito na ang ikalawang laban niya sa Olympic Game na muli siyang nakasungkit ng gintong medalya.
Matatandaang una siyang nakasungkit ng gintong medalya noong 2020 Tokyo Olympics matapos na manalo sa laban kontra kay Adriana Cerezo ng Spain.
Dahil dito, si Wongpattanakit ang kauna-unang atleta sa Thailand na nanalo ng dalawang gintong medalya sa magkasunod na Olympic Games.
Samantala, kinumpirma naman ni Wongpattanakit na magreretiro na ito sa larong taekwondo pagkatapos ng Olympics dahil sa mga pinsalang kaniyang tinamo matapos ang kaniyang laban kay Guo.
“I have so much pain. I had a broken knee. And my ankle, my hip… Now, I have to retire,” she said.