Tennis: Maria Sharapova nangungunang nominee para sa Tennis Hall of Fame

Jet Hilario
Photo Courtesy: Reuters

Ang pangalan ngayon ni five-time Grand Slam Champion Maria Sharapova ang nangunguna sa mga malalaking pangalan sa mundo ng tennis na nominado para sa International tennis hall of fame class ng 2025. 

Si Sharapova ay dalawang beses na nanalo sa French Open noong 2012 at 2014 nanalo rin siya sa Wimbledon noong 2004, US Open noong 2006 at Australian Open noong 2008. 

Nakakuha din si Sharapova ng 36 single titles at siya ang unang babaeng Russian na umabot sa No.1 noong 2005. 

Pagkatapos ng 19 na taong karera sa mundo ng tennis ay nag retiro na si Sharapova noong 2020. Samantala, Ang Hall of Fame ay iaanunsyo sa Oktubre at ang induction ceremony ay katatapos lamang nitong Agosto 21-23.