Team Philippines nalampasan na ang 2020 Olympics medal haul

Jet Hilario
Photo Courtesy: Philippine Star

“Answered prayers.”  

Ito ang nasambit ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino matapos ma-break na ng bansa ang record nito na malampasan ang makukuhang medalyang ginto sa Paris Olympics. 

“Answered prayers. “We already broke the record in the Olympics, that’s it,” wika ni Tolentino

Hindi naman makapaniwala ang POC na sa ilang araw na nalalabi bago matapos ang Olympics ay makakaasungkit pa ang bansa ng gintong medalya. 

Ang unang dalawang medalya ay naipanalo ni Carlos Yulo, sa men’s floor exercise at vault sa artistic gymnastics, habang may mga nakaabang nang medalya para kina Nesthy Petecio at Aira Villegas. 

May inaabangan pang laban ang ibang mga atleta sa larong weightlifting, hurdle, at golf na inaasahan ding makakasungkit pa ng medalya. 

Pinasalamatan ni PSC chairman Richard Bachmann ang Team Philippines dahil sa ipinakita nitong suporta sa isa’t-isa dahilan nakamit ng bansa ang tagumpay lalo na at nagdiriwang ang bansa sa kaniyang ika-100 taong pagsali ng Pilipinas sa Olympics.

“This is destined for the Philippines, a destiny shaped by everyone’s efforts. Thanks to everyone’s support, the nation celebrates the milestones we’ve achieved,”  ani Bachmann.