Strong Group Athletics - Pilipinas nakuha ang kampeonato sa 43rd William Jones Cup
Nakuha ng Strong Group Pilipinas, ang kampeonato kontra Chinese Taipei-A sa kanilang overtime game, ang iskor 83-79.
Isinagawa ang Championship Game sa Xinzhuang Gymnasium in New Taipei City, Taiwan.
Naging mahigpit ang labanan lalo na sa huling quarter ng laro kung saan naka-iskor pa si Kiefer Ravena ng 3 points bago matapos ang 4th quarter kung kaya nakuha pa ng Pilipinas ang iskor na 73-71.
Ito ang unang titulo ng Pilipinas matapos na makuha ang first runner up sa Dubai International Championship.
Ito na ang ika-pitong beses ng Pilipinas na makakuha ng panalo sa Jones Cup kung saan kabilang dito ang 1982 Northern Cement, 1985 San Miguel, 1998 Centennial Team, 2012 Gilas, at 2016 and 2019 ng Mighty Sports.
Pangalawa din ang Pilipinas sa may pinakamaraming ‘win titles’ sa Jones Cup kung saan nanguna dito ay ang USA.
[pls add more details here, pang-ilang Jones Cup win to ng PH?]
Samantala, Itinanghal namang MVP si Chris McCollough na nakapagtala ng 12 points.
Habang sina DJ Fenner ay nakapagtala ng 15 points,9 rebounds at 4 steals, si RJ Abarrientos ay nakapagtala ng 14 points.