Standerhardinger inako ang responsibilidad sa mga talo ng Dyip

Libert Ong (@braveheartkid)
Photo Courtesy: PBA Images

Inako ni Christian Standhardinger ang responsibilidad sa limang sunod na pagkatalo ng Terrafirma Dyip mula ng magsimula ang PBA Season 49 Governors’ Cup.

Bagaman puro kabiguan ang nalasap ng Dyip, naniniwala si Standhardinger na kailangan pa nila ng oras upang magkaroon ng chemistry at mailabas ang full potential ng koponan.

Wala pa rin namang mintis ang mga numerong naitatala ni Standhardinger na may 15.2 points, 8.4 rebounds at 3.0 assists na averages, ngunit hindi raw ito sapat at kailangan pa nyang kumayod pa ng mas matindi upang makatulong sa kanyang bagong koponan.

Noong nakaraang season sa Commissioners’ Cup, may kabuaang apat na talo lamang ang nakamit ng dating koponan ni CS na Barangay Ginebra kaya’t naninibago ito sa nangyayari sa kanyang career ngayon.

“Obviously, I have to step it up," ayon kay CStand, na na-trade mula sa Ginebra kasama ang isa pang beterano na si Stanley Pringle kapalit nina Season 48 rookie of the year Stephen Holt, Isaac Go at isa pang draft pick swap sa susunod na season.

"For example, I need to make some free throws. I need to step up on my leadership position. And that’s something that I can control and I need to get better at that,” dagdag pa ng Season 48 Mythical Team member.

“It’s always a bit complicated to adjust to a new team. You don’t want to come in and out of nowhere, change certain things. But management talked to me and the coach talked to me, I need to be more vocal and I need to lead a little bit more and that’s what I’m trying to do."

Ayon pa kay Standhardinger, nakadagdag pa sa kanilang chemistry woes ang mga pagbabagong naganap at patuloy na nagaganap sa kanilang koponan tulad na lang naman ng mga injuries na natamo ng kanyang mga teammates, contract issues at pati na ang maagang pagpalit ng import.

Nagkaroon ng partial tear sa kanyang hamstring ang kanilang star guard na si Juami Tiongson habang si Kenmark Carino naman ay mayroong groin injury. Sina Mark Nonoy at CJ Catapusan ay hindi pa nakaka-pirma sa Terrafirma dahil may kasalukuyan pa silang live contract sa Iloilo Royals ng MPBL.

“With that said, and taking that responsibility, and then it’s totally my fault, we also have to be realistic. Half of our team is missing, one great wing, he went to Korea (Javi Gomez de Liano), we don’t have the same team right now,” saad ni Standhardinger.

“They had a great run against San Miguel last conference. We are missing Javi and we didn’t get nothing for it. We have five different people out. Juami is out, our big is missing, then two people from the MPBL, they couldn’t get a release.

“Then, we have to change our import within one day of the first game. With me taking responsibility, we also need to be realistic and know that we are missing half of our team,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni CStand na kailangan lang nila ng patience upang baguhin ang kapalaran ng Terrafirma lalo na at magsimula ang kanilang 2nd round elimination campaign sa Linggo kung saan makakasagupa nila ang NorthPort Batang Pier sa 1st game ng double-header sa Ninoy Aquino stadium.

“Obviously, in a competitive league like the PBA, it’s hard to win when it comes together in such a way. It was a perfect storm almost. But we need to move on and figure out how we can still get some wins and just overcome that," ayon sa kanya.

“It’s little steps by little steps, getting better, and it will be a long-term project. We just can’t expect to come to the games and start winning games. We’ve got to build it up, work hard in practice, listen to the coaches and management," pagtatapos ni CS.

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
5
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
11
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
11
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
7
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
7
Read more

Angeline Colonia wagi ng ginto sa Asian Junior Weightlifting

AngelineColoniaPhilippineWeightliftingWeightlifting
7
Read more

Alas Pilipinas, sasagupa sa Thailand bukas sa SEA V.League Leg 1

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanShainaNituraEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasPhilippineVolleyballPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
4
Read more

Cone, naniniwalang handa ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup

CoachTimConeCalvinOftanaJuneMarFajardoChrisNewsomeGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
4
Read more

PSC Chair Gregorio, dumayo sa China para sa Gilas Pilipinas Women

GilasPilipinasWomenJohnPatrickGregorioAlPanlilioGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
13
Read more

June Mar Fajardo aminadong nahirapan sa depensa ng TNT

JuneMarFajardoJerichoCruzMarcioLasiterLeoAustriaAlfrancisChuaSanMiguelBeermenPBABasketball
5
Read more

Zamboanga Valientes hindi na itinuloy ang pagbili sa Terrafirma Dyip

BobbyRosalesWillieMarcialAtty.OgieNarvasaJunnieNavarroTerrafirmaDyipBasketball
6
Read more

Manny Pacquiao at Mario Barrios, kapwa humiling ng rematch

MannyPacquiaoMarioBarriosBuboyFernandezFreddieRoachPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
5
Read more

Alas Pilipinas may dapat matutuhan sa mga pagkakamali - Suzara

LeoOrdialesBryanBagunasMarckEspejoRamonSuzaraAlasPilipinasPhilippineVolleyballPNVFAVCVolleyball
9
Read more

Mario Barrios, magiging maingat pa rin sa laban kontra Pacquiao

MarioBarriosMannyPacquiaoWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationMPPromotionBoxing
10
Read more