South Sudan nagpakitang-gilas sa Olympic basketball debut

Juan Karlo Libunao (JKL)
PHOTO COURTESY: NBC SPORTS

Pinagpag lang ng South Sudan men’s basketball team ang mga balakid sa kanilang makasaysayang unang panalo sa Paris Olympics.

Sa unang laban nila sa Group Phase C na ginanap sa Pierre Mauroy Stadium noong ika-28 ng Hulyo, ang world’s No. 33 na South Sudan ay ginulat ang No. 16-ranked na Puerto Rico ng talunin nila ito sa score na 90-79.

Pinangunahan ni Carlik Jones ang South Sudan sa kanilang tagumpay sa pagtatala ng 19 points, 7 rebounds at 6 assists habang nag-ambag naman si Marial Shayok ng 15 puntos.

Nalagpasan din ng koponan ang 8-0 start ng Puerto Rico at natikman lamang ang unang kalamangan sa ika-7:13 mark ng 3rd quarter kung saan naipasok ni Noni Omot ang kanyang three-pointer upang magkaroon sila ng dalawang puntos na kalamangan 56-54.

Mula doon, hindi na naka-ahon pa ang Puerto Rico at nakuha ng South Sudan ang kauna-unahang panalo nila sa Olympics. Nakuha ng African nation ang Olympic ticket noong sila ang naging top finisher sa kanilang kontinente sa nakalipas na World Cup.


Maling national anthem napatugtog

Bago magsimula ang laro, nagkaroon ng pagkakamali ang Paris Games organizers. Ang napatugtog nila ay ang national anthem ng katabing nayon na Sudan. Humingi ng paumanhin ang mga organizers sa kanilang pagkakamali.

Ang bansang South Sudan ay nagkaroon ng kalayaan mula sa Sudan matapos ang referendum noong 2011 ngunit nagpatuloy pa rin ang bayolenteng hidwaaan ng dalawang bansa - patuloy ang kanilang pagtatalo sa borders, natural resources at political power.


Walang indoor basketball courts

Walang indoor basketball courts sa South Sudan ayon sa dating NBA All-Star na si Loul Deng na siya ring presidente ng South Sudan Basketball Federation.

Si Deng ay instrumental sa pagbuo ng South Sudan men’s national basketball team na tinaguriang Bright Stars.

Sinabi rin niya na nasa South Sudan ang karamihan ng pinakamatatangkad na tao sa mundo - isang dagdag kalamangan sa paglalaro ng basketball. Gayunman, ang bansa nila ay kinakapos sa mga resources at isa na nga dito ay ang kawalang ng indoor basketball court.

Dagdag pa ni Deng: “For all of us, it’s a journey that’s bigger than basketball. As a young kid myself, in the NBA, I knew that a lot of young South Sudanese kids and refugees around the world were following my story. Now, it’s even more incredible when you’re doing it as a group.

“What we’re accomplishing for the continent of Africa is a huge thing; sports can elevate and motivate a whole nation.”

Sa dami ng pinagdaanang pagsubok ng South Sudan men’s basketball team, marami pa bang ‘di inaasahang tagumpay ang kanilang makakamit tulad ng pagsungkit ng medalya sa kanilang unang pagsabak sa Olympics?

Pahanon at oras lang ang makakapagsabi at masusubukan ito sa kanilang susunod na laban kung saan kakaharapin nila ang powerhouse Team USA sa ika-30 ng Hulyo.

Only time will tell as they face off against powerhouse Team USA on July 30th.