Serbisyo at Sports Facilities sa bansa, pagbubutihin pa - PSC

Jet Hilario
photo courtesy: PSA/fb page

Nangako ang Philippine Sports Commission na pagbutihin pa nito ang serbisyo pagdating sa mga pangangailangan ng mga atleta sa bansa lalo na ang mga  sports facilities na ginagamit ng mga atleta.

Tiniyak din ni Bachmann na hindi rin pababayaan ng PSC ang mga local, regional, at iba pang international sporting events, kabilang na ang mga hosting ng bansa. 

Samantala, umaasa naman ang PSC na magkakaroon na ng mas malaking budget ang komisyon kumpara sa orihinal nitong hininging budget. 

Ang naturang budget ay gagamitin para sa pagpapabuti ng sektor ng sports dito sa bansa, tulad ng pag-aayos sa mga sports facilities, training ng mga atleta, at iba pa.

Maliban dito, nakapokus din at naghahanda na ang komisyon para sa susunod na Olympics sa Los Angeles.

Kabilang sa inihahanda ng PSC ay ang preparasyon at pagtuon ng pansin sa mga grassroots.

Matatandaang una nang sinabi ni Bachmann na tututukan din ng PSC ang mga palaro sa Olympics na wala pang representante katulad ng  javelin throw, discus throw, at speed climbing na kung saan ay sa mga sports na ito ay mabilis din makakuha ng medalya.