Serbia, abanse na sa semi finals matapos malusutan ang Australia via OT

Jet Hilario
Photo Courtesy: EPA/Caroline Brehman

Tila nabunutan ng tinik ang Serbia matapos na malusutan nito at maipanalo ang laban kontra Australia sa quarter finals ng Men’s Basketball sa Paris Olympics. 

Umabot sa overtime ang kanilang laro bago tuluyang makamit ang panalo sa score na 95-90. 

Sa unang bahagi ng kanilang laban ay 24 agad ang lamang ng Australia hanggang sa overtime ay lamang pa rin ang Australia hanggang sa makapagtala ng three points shot si Nikola Jokic kung saan nakuha ng Serbia ang score na 93-90. 

Tinapos na ni Bogdan Bogdanovic ang laban nang maipasok nito ang huling dalawang free throw shot. 

Nanguna sa panalo si Jokic na nakapagtala ng 21 points at 14 rebounds habang si Bognadovic ay mayroong 17 points 

Hinihintay na lamang ng Serbia ang sinumang manalo sa pagitan ng US at Brazil para sa semifinals.