SBP’s Ultimate Goal: 2028 LA Olympics

Juan Karlo Libunao (JKL)
PHOTO COURTESY: GMA NETWORK

Dismayado man si Samahan ng Basketball ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio sa pagkakabigo ng Gilas Pilipinas basketball team na mag-qualify sa Paris Olympics, umaasa pa rin siya na makakamit pa rin ng grupo ang Olympic dream ng Pilipinas basketball sa susunod na Summer Games sa 2028 na gaganapin sa Los Angeles, California, USA.
 

Matatandaang sinabi ni Gilas head coach Tim Cone na landas na gusto tahakin ng SBP at ng national team, “The ultimate goal for the SBP is to make it to the LA Olympics, I think that’s the ultimate goal. That’s what they are looking for,”

Sinubkan makakuha ng Gilas ng Olympic slot ngayong taong ito sa pamamagitan ng Olympic Qualifying Tournament (OQT) na ginanap sa Latvia. Napataob nila sa group stage ang host team at FIBA’s No. 6 ranked team at ginulat ang mundo ng basketball.

Natalo naman sila sa dikitang laro laban sa No. 23 ranked team na Georgia sa kanilang sumunod na laro dahilan upang magkaroon ng three-way tie sa kanilang grupo kasama ang Latvia, pumasok pa rin ang Pilipinas sa Semis sa pamamagitan ng superior quotient points. Sa crossover Semis naman, yumuko ang No. 37 ranked na Pilipinas laban sa No. 12 ranked Brazil na umahon mula sa double-digit na pagkakabaon sa first half ng laro. Ang Brazil ang tinanghal na kampeon sa QOT matapos talunin ang host team sa finals.

Dismayado man sa naging resulta si Panlilio sa pagkakabigo ng national team na makakuha ng slot sa Paris Games, nakitaan pa rin niya ng pag-asa ang Gilas sa mga susunod nitong mga laban lalo na sa pagkamit ng “ultimate goal” ng SBP na makarating ang koponan sa LA Olympics..

“In the OQT in Latvia, we proved we can compete with the best in the world,” saad ni Panlilio. “Our vision is to go to LA through the World Cup by becoming the highest Asian finisher. In Latvia, I felt we had a 50-50 chance against Brazil in the semis if only Kai (Sotto) played and even if only for five to 10 minutes to make an impact like Willis Reed (with the New York Knicks in Game Seven of the 1970 NBA Finals). Kai was cleared by doctors to play and joined the shootaround but just before the game, he told (coach) Tim (Cone) he couldn’t play because he was still in pain. If only we had (AJ) Edu, June Mar (Fajardo) wouldn’t have had to extend himself. If we had Jamie (Malonzo) and Scottie (Thompson), maybe we would’ve gone to the final, who knows? But we showed we can compete with the big boys.”

May dalawang paraan ang Pilipinas upang makakuha ng ticket para makamit ang tangkang makalahok sa 2028 Olympics.

Una dito ay ang maging highest-placed Asian country sa FIBA World Cup na gaganap sa Qatar sa ika-27 ng Agosto hanggang ika-12 ng Setyembre sa taong 2027.

Ang ikalawang ruta naman ay sa pamamagitan ng paghahari sa isa sa apat na FIBA Olympic Qualifying Tournaments. Maraming magiging balakid sa dalawang landas sapagkat kinakailangan parehas na malagpasan ang mga qualifiers ngunit kung titingnan ay mas may pag-asang magawa ang pagkuha ng slot sa FIBA World Cup.

 

Gilas Naturalized Players

Patungkol naman sa Gilas naturalized player, nabanggit ni Panlilio na ang 36-year-old star na si Justine Brownlee ay patuloy na nagniningning sa pagsusuot ng Pilipinas jersey.

Nasa proseso naman ang pag-na-naturalize sa 28-year-old at 6’10” forward/center na si Bennie Boatwright para sa pagpapatuloy ng programa. Samantala, ang ex-Ateneo big man at manlalaro ng UB Chartes Métropole na si Ange Kouame, 26 ay available pa rin bilang back-up.

Sa mga torneyo naman tulad ng SEA games, kung saan passport lamang ang kinakailangan para maging eligible na manlalaro ng isang bansa, option na ng bawat team kung sila ay kukuha ng mahigit sa isang naturalized player.

 

Coaching Duties

Sa apat na taong programa ng SBP, ang pagiging Gilas head coach ni Tim Cone ay naka year-to-year basis. Bumuo si Cone ng 12-man team na kanyang gustong panatilihin sa loob ng apat na taon ngunit siya ay bukas din sa “minor tweaks” kung kinakailangan gawin ito.

“But ultimately, in the fourth year, we want to be playing in the Qatar World Cup. We have to qualify first but we want to be playing in the Qatar World Cup and we want to be finishing first in Asia, and get that berth in the LA Olympics. That’s been clear to me. That’s the goal of the SBP,” aniya.

Kasama pag-abot ng pangarap na makamit ang Olympic slot ay ang pagsabak sa FIBA Asia Cup 2025 qualifiers. Naipanalo ng Gilas ang unang dalawang laro sa nasabing torneyo, ang una ay laban sa Hong Kong noong ika-22 ng Pebrero at ang ikalawa naman ay laban sa Chinese Taipei noong ika-25 ng kaparehas na buwan. Ang susunod na laban ng Gilas Pilpinas ay sa November 21 kung saan kakaharapin nila ang world No. 21 ranked na New Zealand.