Sanchez bigong makausad sa 100m freestyle finale
Hindi na nagawang makausad pa sa finals ng women’s 100 meter freestyle si Pinay swimmer Kayla Sanchez.
Nagtapos na sa pang-pitong puwesto sa grupo at pang-15 sa overall ng semifinals ang Filipino-Canadian swimmer.
Bagaman hindi nakapasok si Sanchez sa finals ay kita sa kaniya ang pagkakaroon ng pag-asa na manalo siya sa susunod na Olympics kahit pa ibinigay na rin ni Sanchez ang kaniyang buong makakaya para sa makamit ang gintong medalya.
Umabot sa 54.21 segundo ang kaniyang naitalang oras sa nasabing swimming event.
Una rito ay nakapasok si Sanchez sa semis matapos makuha ang pang-10 puwesto sa overall sa heats category.
Sa women’s 100 meter freestyle, 8 na lamang ang maglalaban-laban para makapasok sa finals.
Samantala ang 8 namang magkakalaban sa finals ay sina: Siobhan Haughey, Shayna Jack Mollie O’Callaghan, Junxuan Yang, Marrit Steenbergen, Sarah Sjöström, Torri Huske, at Gretchen Walsh.