San Miguel Beermen tinapos ang two-game skid laban sa Magnolia

CJPerez JabariNarcis JuneMarFajardo JuamiTiongson JerichoCruz SanMiguelBeermen MagnoliaChickenTimpladosHotshots PBA Basketball
Juan Karlo Libunao (JKL)
Photo Courtesy: PBA

Muling nakabalik sa winning column ang defending champion San Miguel Beermen nang talunin nila ang kanilang karibal sa kampeonato noong nakaaraang taon na Magnolia Chicken Timplados Hotshots, 85-78, sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Commissioner's Cup kagabi, January 12, sa Ynares Center sa Antipolo.

Kumamada si CJ Perez ng kabuuang 23 points kung saan 11 dito ay naibuslo niya sa fourth quarter, upang pangunahan ang San Miguel sa panalo. Mayroon din siyang naitalang 10 assists, six rebounds at four steals.

Ang Beermen import na si Jabari Narcis naman ay nag-ambag ng 18 puntos at 23 na rebounds, habang nagdagdag si June Mar Fajardo ng 13 points, 14 rebounds at six assists.

Tumulong din sina Juami Tiongson (13), Jericho Cruz (10) at Marcio Lassiter (8) para makuha ng SMB ang kartadang 4-4 sa team standings at lumamang sa NLEX at Phoenix na may parehas na 3-5 win loss records.

"We considered this game as most crucial for us as Magnolia is one our rivals for the Top 8. A loss will slide us to the Bottom 5 but a win will get us to the Top 8," ayon kay San Miguel head coach Leo Austria.

"This win will be a good morale booster for us, giving us more confidence going to our next game against Meralco (on Saturday in Candon)," dagdag niya.

Samantala, nahulog naman ang Magnolia sa 3-6 record na naglagay sa kanila sa 11th place at nanganganib na hindi makapasok sa playoffs.

Pinangunahan ni import Ricardo Ratliffe ang Hotshots na nagtala ng 24 points at 15 rebounds, habang si Mark Barroca naman ay nag-ambag ng 13 markers at six assists sa gabing nakamit niya ang isang milestone -- ang laro kagabi ay ang kanyang ika-600 consecutive sa pro league.

Susubukan bumalik sa panalo ng Magnolia sa Huwebes, January 12, laban sa Phoenix Fuels kung saan ang kanilang itataya ang kanilang conference lives sa Philsports Arena.

Ang San Miguel naman ay muling babalik sa hardcourt para lalo pa paigtingin ang kanilang title-defense laban sa Meralco Bolts sa Sabado, January 18, sa Candon City Arena sa Ilocos Sur.

 

The Scores:

SAN MIGUEL 85 - Perez 23, Narcis 18, Tiongson 13, Fajardo 13, Cruz 10, Lassiter 8, Ross 0, Brondial 0, Trollano 0, Cahilig 0.

MAGNOLIA 78 - Ratliffe 24, Barroca 13, Lucero 9, Lastimosa 9, Sangalang 6, Dela Rosa 4, Abueva 4, Alfaro 4, Ahanmisi 3, Balanza 2, Dionisio 0, Laput 0.

Quarter Scores: 20-17, 40-29, 60-60, 85-78.

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more