RoS coach Yeng Guiao pinuri ang naging desisyon ng SC na nag-uutos sa PAGCOR, PCSO na ibigay ang pondo ng PSC.

Jet Hilario
photo courtesy: PSA/fb page

Pinaboran ng Korte Suprema ang petisyong inihain ni RoS at dating Pampanga Representative Yeng Guiao ang inihain nilang mosyon para mapasakamay ng Philippine Sports Commission ang pondong nararapat sa komisyon na hindi naibigay ng PAGCOR at PCSO may walong taon na ang nakakaraan. 

Pinuri ni RoS coach Yeng Guiao ang naging desisyon ng Supreme kung saan inuutusan ng kataastaasang hukuman ang PAGCOR at PCSO na mag-remit na ng mga pondo sa PSC na umaabot na ng bilyun-bilyon simula pa noong 1993.

Sa Tantiya ni Guiao, aabot na rin sa 25 Billion pesos ang remittance ng PSC sa PAGCOR mula pa noong 1993 at sa PCSO na nagsimulang mag-accumulate noon namang 2006.

Sinabi pa ni Guiao na hindi rin aniya buong 5% ang natatanggap ng PSC mula sa PAGCOR kundi nasa 2.1% lang umano. 

“...dalawa ang inaasahan natin dito, yung monthly or yearly income na dapat sa funding ng  PSC, sa estimate ko hindi lang madodoble, halos triple na dapat ang tinatanggap ngayon ng PSC aside pa dun sa funds na na-accumulate pa through the years… “ ani Guiao. 

Pinasalamatan din ni Guiao si Justice Marvic Leonen na siyang naging ponente sa nasabing petisyon at pumabor sa desisyon ng Supreme Court. 

“Laking pasasalamat nating lahat sa Supreme Court at binigyan nila ng hustisya ang Philippine Sports (Commission).. “Utang natin sa Supreme Court at timing pa na galing tayo sa pinakamagandang performance sa (Paris) Olympics ”  ani Guiao 

Sa kautusan ng Korte Suprema, ang limang porsyentong alokasyon ng PAGCOR para sa PSC ay “unqualified” at walang bawas, at idinagdag na nilayon ng Kongreso na ang remittance ay ibabase sa gross income.

Ibig sabihin, ang PAGCOR ay may mandato na mag-remit ng limang porsyento ng kabuuang kita nito kada taon--pagkatapos ng bawas sa limang porsyento nitong franchise tax--mula  noong 1993 hanggang sa kasalukuyan.

"Surely, mere memoranda approved by the President cannot find supremacy over a statute," Leonen wrote as ponente.

"It has now come to the attention of this Court that the Commission has been neglected for decades," Leonen wrote.

"In the end, it is not the Commission which stands to be adversely affected by the lack of remittance of other governmental agencies. Instead, it is the Filipino athletes and youth that lose the most," Leoned added.

Matatandaang si Guiao ay kinatawan noon ng Pampanga at naging chairperson ng House Committee on Youth and Sports Development kung saan naghain ito ng petisyon para sa mandamus noong 2016 para i remit na ang mga pondo ng PSC na manggagaling sa PAGCOR at PCSO batay sa Republic Act 6847 ang batas na bumuo sa PSC.

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
7
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
7
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
10
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
7
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
7
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
8
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
8
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
10
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
25
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
32
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
26
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
26
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
22
Read more