Rekognisyon at Pagkilala, hangad ng Philippine Roll Ball Association Inc

Jet Hilario
photo courtesy: PSC/Pilipino Star

Umaasa ang Philippine Roll Ball Association Inc. (PRBA) na mabibigyan din sila ng rekognisyon at maipapakilala ng Philippine Olympic Committee (POC) na kabilang sa  National Sports Association (NSA) sa bansa.

Ayon kay PRBA chief Tony Ortegaa,  maganda ang pagtanggap ng publiko sa roll ball na kombinasyon ng skating at basketball.

“This is just the beginning and crucial steps para mapatatag namin ang PRBA at mai-submit namin sa POC for membership… Aayusin din namin na magkaroon ng asosasyon sa Southeast Asia. Sa ngayon, Indonesia, Malaysia at Singapore mayroon na ring community ng roll ball,” ani Ortega    

Sinabi pa ni Ortega na ang  Pilipinas lamang aniya ang tanging bansa sa Southeast Asia na kinikilala ng International Roll Ball Federation (IBRF) nakabase sa India na may ganitong uri ng laro sa bansa.

“Ang International Roll Ball Federation ay nagbibigay sa amin ng pagkilala at awtorisasyon na ipalaganap ang palakasan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa Timog-Silangang Asya din,” dagdag ni Ortega.

Sa kasalukuyan, naisumite na ng PRBA ang handbook ng naturang laro at technical guidelines  kay PSC Commissioner Wawit Torres at sinusubukan din ng PRBA na makipag-ugnayan at makipagtambalan  sa mga Local Government Unit (LGUs) para makapagdaos ng mga aktibidad na gagawin sa mga barangay kasama na dito ang mga bayan at munisipalidad. 

Dagdag pa ni Ortega na sa kasalukuyan ay mayroon na aniyang mahigit sa isang libong skating club sa bansa at ang mga ito ay kanilang kukumbinsihing pumasok at maglaro ng roll ball.

Nasa mahigit 500 na rin aniya ang kanilang mga manlalaro na regular na nagsasanay at naglalaro sa Amoranto Sports Stadium sa Quezon City. 

“Sa ngayon, mayroong higit sa isang libong skating club at komunidad sa buong bansa. Una, kailangan natin ng mga skater para kumbinsihin silang pumasok sa roll ball. May mga 500 na kaming players na regular na naglalaro sa Amoranto stadium sa Quezon City,”  dagdag pa ni Ortega 

Sinabi ni Ortega na ang kanyang grupo ay nagsagawa na ng mga clinic, seminar at iba pang campaign activities sa Gen. Santos, Davao, Malabon, Cavite at Batangas para ipakilala ang laro.

Sa larong Roll Ball, binubuo ito  ng 15 manlalaro sa bawat koponan, kailangan ay  may anim na manlalaro sa magkabilang panig kasama ang goalie.

Gamit ang junior-size na basketball, ang mga manlalaro ay may tatlong segundo kapag huminto sa pag-dribble para ipasa ang bola sa teammate para maiwasan ang violation.

Ang larong ito ay kumbinasyon ng football at basketball, na kailangang maka-goal para maka-iskor. Tatagal ang laro ng 40 minuto at nasa 20 minuto naman ang isang quarter nito. 

 

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
4
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
10
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more