Reavis at 47, valuable pa rin sa Magnolia

Libert Ong (@braveheartkid)
Photo Courtesy: PBA Images

May kasabihan na “kalabaw lang tumatanda” - yan ay pinatutunayan ni Magnolia Hotshots team captain Rafi Reavis na sa kabila ng pagiging “oldest active” player ngayon sa liga sa edad na 47 ay malaki pa rin ang halaga niya sa team.

Ayon kay Magnolia head coach Chito Victolero mula nung nakasama niya bilang teammate si Reavis sa San Juan team ng defunct MBA hanggang sa maging player niya ito sa Magnolia, malaki ang tiwala niya sa kakayanan nito sa larangan ng basketball.

“Si Rafi very serviceable pa rin. Parang hindi nga nagbabago yung hitsura ni Rafi. Nung magkasama kami sa San Juan dati, ganyan na rin hitsura niya. Maybe because of how he takes care of his body,” ayon kay Victorlero.

Dagdag pa ni Victolero na maingat sa pagkain si Rafi at disiplinado ito kaya’t hanggang ngayon ay serviceable pa rin ang 6’9” na Fil-Am.

Bukod sa pagiging serviceable, malaking tulong din ang leadership ni Reavis na siya ring nagsisilbing mentor ng mga mas batang manlalaro tulad nila Ian sangalang, James Laput at ang pinakabago nilang player na si Zav Lucero.

Ito na ang ika-23rd season na paglalaro ni Rafi Reavis sa liga ng PBA.