Rain or Shine hindi kampante sa magandang simula sa PBA
HIndi nagpapakampante si Rain or Shine head coach Yeng Guiao sa magandang resulta ng kanilang laban mula nang magsimula ang PBA 49th Season Governors’ Cup may dalawang linggo na ang nakakalipas.
Bagama't gusto ni coach Yeng Guiao ang ideya, mas gugustuhin niyang huwag masyadong matuwa tungkol dito nang maaga ngayong kumperensya.
“Hindi pa naman title contention,” salag ni Guiao. “Four games pa lang. makakalaban namin San Miguel, five games lang., ani Guiao
Hawak ngayon ng Painters ang 4-0 win loss sa elimination round.
Kuntento din si Guiao sa kontribusyon ng bawat player niya, kahit sina rookies Caelan Tiongson at Felix Lemetti ay nagde-deliver, at mga dating numero din ang ambag ni import Aaron Fuller. Si Tiongson din ang import-stopper ni Guiao.
“We’re doing fine, we’re doing well,” dagdag ni coach Yeng. “It’s also a treat to see different guys sit with me here as a postgame interview. That means iba-iba ‘yung nagko-contribute.” dagdag pa ni Guiao.
Sa Huwebes, makakaharap ng Painters ang SMB at inaasahan nilang magiging mahigpit at dikitan ang magiging laban ng dalawang koponan kung saan dito malalaman at masusukat kung talagang magaling at matatag ang koponan kapag mahusay ang kanilang koponan sa playoffs.
"Kailangan kasi alam mong matatag ka sa playoffs. Alam mo kung magaling ka na talaga o contender ka na kapag nasa playoffs ka na at siguro nakakapagbigay ka ng magandang laban sa playoffs, Pero sa eliminations, yung ibang teams dito, painit pa lang, late naghanda ng preseason, makikita mo talaga ang galing nila towards the middle of the eliminations and towards the end of the eliminations," dugtong pa ni Guiao
Matatandaang tinalo ng Elasto Painters ang Phoenix Fuel Masters sa score na 116-99 at ang NLEX sa score naman na 125-105 kung saan namayagpag sa laban si Jhonard Clarito.