PVL: Chargers bumawi ng panalo vs. Crossovers

Rico Lucero
photo courtesy: PVL media

Nanalo ng muli ang Akari Chargers nang talunin ang Chery Tiggo, 22-25, 26-24, 25-18, 25-20, nitong Martes ng gabi, December 10, sa PhilSports Arena sa Pasig City sa pagpapatuloy ng 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference. 

Bagaman hindi pinalad na makuha ang first set, ipinakita naman ng Chargers ang kanilang tiyaga at pagiging kalmado sa sumunod na tatlong set. 

Nanguna naman sa panalo ng Akari si Grethcel Soltones laban sa Crossover sa kung saan nagrehistro ito ng 22 points sa 20 attacks, at isang block, habang si Fifi Sharma na may 16 puntos, kabilang ang anim na blocks, habang si Ivy Lacsina ay umiskor ng 15 points. 

Ayon sa outside hitter ng koponan, lagi nilang nasa isip ang payo sa kanila ng kanilang coach na anuman ang mangyari ay patuloy na lumaban para makamit ang tagumpay. 

“Coach (Taka Minowa) reminded us that no matter what happens, we must keep fighting,” ani Soltones.

Sa ngayon ay mayroon nang 3-3 win-loss standing ang Akari Chargers at nakuha nito ang ikalimang pwesto, habang ang Chery Tiggo naman ay mayroon nang 3-2 win-loss record kung saan pumalo sila sa ika-anim na pwesto.