PSC Chair Gregorio, dumayo sa China para sa Gilas Pilipinas Women

GilasPilipinasWomen JohnPatrickGregorio AlPanlilio GilasPilipinas SamahangBasketbolngPilipinas PhilippineSportsCommission Basketball
Jet Hilario
photo courtesy: PSA/fb page

Nagtungo sa Shenzhen, China si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio para personal na suportahan ang Gilas Pilipinas Women na kasalukuyang lumalaban sa FIBA Women’s Asia Cup 2025.

Bilang bagong pinuno ng PSC, binisita ni Gregorio ang koponan upang iparamdam ang suporta ng pamahalaan sa laban ng mga Pinay basketball players kontra sa matitibay na kalaban mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya.

Nakipagpulong rin si Gregorio, kasama si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Executive Director Erika Dy, kina FIBA Secretary General Andreas Zagklis, FIBA Asia President Dr. K Govindaraj, at FIBA Asia Executive Director Hagop Khajirian.

“He wanted to know how the PSC can help not just in the hosting of the event but also on what can be done to further invest in women’s basketball. He saw the talent and the competitive fire from our athletes here and wants to know how the PSC can help drive the program forward," ani Dy

Isa sa mga pangunahing paksa ng pagpupulong ay ang pagho-host ng FIBA Women’s Asia Cup 2027 sa Pilipinas, na nauna nang inanunsyo ng FIBA Asia.

“We appreciate the support from Chairman Gregorio in China. This is his first official trip abroad and the SBP is honored by his presence and his help especially about the hos-ting of the FIBA Women’s Asia Cup 2027,” ani SBP President Al Panlilio.

Ayon kay Gregorio, layunin niyang maunawaan ang lahat ng detalye kaugnay ng gagawing hosting upang masigurong makatutulong ang PSC sa maayos at matagumpay na pagdaraos ng prestihiyosong torneo.

“We know of the nationwide impact of basketball in the Philippines. And my hope is that more FIBA events can be held in our country, not just in Manila but in other regions because this will help boost sports tourism and also enhance sports diplomacy,” ani Gregorio.

Matatandaang naging matagumpay na host ang bansa ng ilang malalaking basketball tournaments, kabilang na ang FIBA World Cup noong 2023.

Umaasa si Gregorio na hindi ito ang huli, kundi simula pa lamang ng mas marami pang international events sa Pilipinas sa ilalim ng kanyang pamumuno.

“Alam nating isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamalakas na suporta pagdating sa basketball,” dagdag pa ni Gregorio.

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
1
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
1
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
3
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollies-JeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
4
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
4
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
4
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
4
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
4
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
9
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
24
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
31
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
25
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
25
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
21
Read more