Pondong i-reremit ng PAGCOR at PCSO sa PSC, Pinababantayan

Jet Hilario
photo courtesy: PSC/fb page

Matapos katigan ng Korte Suprema ang naging desisyon nito pabor sa PSC  noong nakaraang linggo, pinababantayan na ngayon ni dating Pampanga Congressman at ngayon ay PBA coach Yeng Guiao  ang aktwal na pagre-remit ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng pondo sa Philippine Sports Commission (PSC). 

Ayon kay PBA coach Yeng Guiao, matibay ang kanilang mga grounds para buo nang makuha ng PSC ang pondo na nakalaan sa kanila mula pa noong 1993. 

“Legally and morally we’re standing on solid grounds. Iyong bulk of the work nandiyan na eh,”  ani Guiao 

Magugunitang nito lamang nakaraang linggo nang paboran  ng Supreme Court ang petisyon ni Guiao noon pang 2016 kung saan siya ang tumayong  vice chairman ng House Committee on Youth and Sports na nag-uutos sa PAGCOR na ibigay sa PSC ang limang porsyento ng kanilang gross income simula noong 1993 hanggang ngayong 2024 base sa nakasaad sa Republic Act No. 6847 na bumuo sa PSC noong 1990.

Sa desisyon ng SC, dapat  i-remit ng PCSO sa PSC ang 30 porsyento ng kanilang charity fund at ang kinita sa anim na sweepstakes ng lottery draw kasama ang buwis sa horse races sa special holidays mula noong 2006 hanggang ngayong taon.

Kung susumahin ay maaaring umabot sa P25 bilyon ang pondong makukuha ng PSC mula sa PAGCOR at PCSO.

Sa ilalim ng batas, hindi na pwedeng umapela ang PAGCOR at PCSO sa naging desisyon ng korte suprema ngunit mayroong namang 15 araw ang mga ito na  magsampa ng motion for reconsideration.

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
7
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
7
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
10
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
7
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
7
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
8
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
8
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
10
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
25
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
32
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
26
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
26
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
22
Read more