POC, iaapela ang mga tinanggal na sports sa 33rd Southeast Asian Games

Rico Lucero
Photo courtesy: POC

Matinding apela at pag-lobby ang gagawin ng Philippine Olympic Committee para maibalik ang nasa 12 sports na tinanggal ng Southeast Asian Games organizers sa magiging programa nito sa susunod na taon. 

Ayon kay POC president Abraham Tolentino, ilalaban nila na isama pa rin ng mga organizers ang 12 palarong tinanggal nila, kabilang sa mga sports na kanilang iaapela ay ang dancesports, jiu-jitsu, karate, weightlifting, kung saan ang mga Pinoy ay may tsansa na makakuha ng gintong medalya. 

Hindi rin sila nawawalan ng pag-asa sa bagay na ito at hihintayin din umano nila ang magiging resulta ng pagpupulong ng SEAG Federation sa susunod na buwan. 

“We are fighting for all the 12 sports, including dancesports and chess. The meeting will be on 25 October. So, between now and 25 October will be the push to convince the organizers which sports will be included because by then, the results will already be presented.” ani Tolentino 

Magugunitang nitong Hunyo, inihayag ng mga organizer ng SEA Games na babawasan nila ang bilang ng mga palakasan sa susunod na taon. 

Sakaling tuluyang hiindi na mapasama ang dancesports,weightlifting, wushu, jiu-jitsu at karate ay apektado ang mga star athletes ng bansa na sina Kaila Napolis, Annie Ramirez at Marc Lim para sa larong jiu-jitsu; Agatha Wong sa wushu; Jamie Lim at Sakura Alforte ng karate; at Erleen Ando at Vanessa Sarno ng weightlifting, na pawang naghatid ng mga gintong medalya sa nakaraang edisyon ng Palaro sa Cambodia noong nakaraang taon.

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more