Pinoy chess bets nakamit ang first round wins laban Aruba at Malawi
Naging maganda ang simula ng koponan ng Pilipinas pagkatapos nitong matalo ang Aruba sa men’s division at Malawi sa women’s side kung saan nakapagtala sila ng iskor na 4-0 noong Miyerkules, Setyembre 11, sa 45th FIDE Chess Olympiad na ginanap sa BOK Sports Hall sa Budapest, Hungary.
Magandang resulta ang ipinamalas ng Olympiad debutants na sina International Master Daniel Quizon at Ruelle Canino matapos talunin ni Quizon ang FIDE Master na si Juan Pablo De Mey gamit ang 35 moves ng Sicilian Dragon sa unang board habang tinalo naman ni Canino si Anne Simwabe sa board four gamit ang English Opening na mayroong ding 35-move win.
Si Woman International Master Jan Jodilyn Fronda naman ang unang kalahok ng Filipino delegates ang nakapagtanghal ng unang panalo ng bansa sa Olympiad edition na ito matapos niyang talunin si Tupokiwe Msukwa gamit ang 35 moves ng English sa board three.
Matapos ang panalo ni WIM Fronda ay sunod-sunod nang nakamit nina Grandmaster John Paul Gomez, WGM Janelle Mae Frayna, WIM Shania Mae Mendoza, IM Jan Emmanuel Garcia, Canino, at ni Quizon ang pagkapanalo laban sa kanilang mga kalaban.
Nanalo din si IM Paulo Bersamina kontra kay Ilya Stetsenko sa board two. Ang Philippine team ay pinapangunahan nina GMs Eugene Torre and Jayson Gonzales.
Inaasahang pareho ang magiging roster ng Filipino chess players sa second round ng 11-round tournament para sa kanilang bid na makapagtapos sa Top 20 o posibleng makakuha pa ng mas mataas pang ranking.