Pinoy basketball referee, kabilang sa elite level ng FIBA

GlennCornelio FIBAAsiaCup EastAsiaSuperLeague Basketball
Rico Lucero
Photo courtesy: Philstar

Kung mayroong basketball referee sa kasalukuyan na kabilang sa hanay ng mga tinaguriang “elite” level ng FIBA, isa na rito ang nag-iisang Pinoy basketball referee na si Glenn Cornelio.

Pangarap ni Cornelio na makakapasok sa World Cup, at sa ngayon, hawak ni Cornelio ang FIBA ​​black license kung saan saklaw nito ang mga kompetisyon para sa men and women. 

Naging bahagi din si Cornelio sa katatapos na East Asia Super League championship finals sa Macau kamakailan. 

Bukod kay Cornelio, may lima pang Filipino international referees na accredited ng FIBA—sina Totie Celeste, Aaron Canete, Harry Santos, Ralph Moreto, at Christian Penaojas. Gayunpaman, si Cornelio lamang ang nasa elite level para sa 2023-25 ​​cycle.

Ayon kay Cornelio, target niyang maging referee sa World Cup main competition matapos siyang mapabilang bilang “reserve” sa nakaraang World Cup.

“Sa ngayon, ang target ko ay makapag-referee sa World Cup main competition, reserve referee ako sa last World Cup,” ani Cornelio. 

Para kay Cornelio, hindi biro at hindi basta-basta ang tungkulin ng isang basketball referee. Sinabi rin niya na dapat ay laging handa at may sapat na kaalaman ang isang referee, lalo na pagdating sa tuntunin ng laro at sa physical conditioning.

Mahalaga din aniya ang constant learning patungkol sa basketball dahil ang sports na ito ay laging evolving at improving kaya kailangan umano dito ay laging pinag-aaralan para laging  updated. 

“Basic na dapat nasa isip ng referee ay readiness at preparedness when it comes to knowledge of rules at physical conditioning. Ang motto namin ay ‘learning never stops’ dahil ang basketball laging evolving at improving kaya kailangan kasabay ang pag-aaral para updated. Basketball knowledge and refereeing knowledge both should work hand in hand,” dagdag ni Cornelio.

Nagsimula si Cornelio bilang referee noong siya ay nasa ikatlong taon sa kolehiyo noong 2002. Kalaunan, umangat siya sa UAAP, NCAA, FilOil, Liga Pilipinas, PBA, at FIBA.

Dalawang beses na rin siyang nagtrabaho sa SEA Games, FIBA ​​Asia at World Cup Qualifiers, FIBA ​​Asia Cup, BCL, WASL, ABL, EASL Final Four (dalawang beses), EASL Terrific 12, PBA 3x3 at 5x5, at FIBA ​​U19 World Cup. Ang kanyang kuwento ay magsisilbing inspirasyon sa iba pang Filipino referees na nangangarap ding maabot ang rurok ng kanilang propesyon.

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more