Pilipinas nagtapos sa ika-37 pwesto sa Paris Olympics
Nagtapos ang Pilipinas sa ika-37 pwesto sa katatapos na Paris Olympics.
Nakuha ng Pilipinas ang apat na medalya kung saan dalawa sa mga ito ay ginto at dalawang bronze.
Sa kasalukuyan, ito na ang pinakamataas na ranking na nakuha ng bansa mula nang magsimulang sumali ang Pilipinas sa Olympics 100 taon na ang nakalipas.
Nalampasan na rin ng bansa ang nakuhang medalya ng mga atleta kumpara sa nakaraang Tokyo Olympics.
Ang gymnast na si Carlos Yulo na nakakuha ng dalawang medalyang ginto at ang mga boksingerong sina Nesthy Petecio at Aira Villegas na kapwa mayroong bronze medal.
Samantala, itinanghal namang Overall Champion ang Team USA na kung saan mayroon itong kabuuang 125 medals, 40 gold 44 silver at 125 bronze.
Pangalawa ang China na may 40 gold 27 silver at 91 bronze.
Pangatlo ang Japan sa overall champion na mayroong 20 gold 12 silver 13 bronze.
Sa closing ceremony, proud namang nagsilbing flag bearer sina Gymnast Carlos Yulo at boxer Aira Villegas.
Samantala, nakatakda nang bumalik sa bansa ang mga atleta kasama ang Philippine delegation sa August 13.